PAULINES

Mabuting Balita l Marso 5, 2024 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 5, 2024 – Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

Ebanghelyo: Matthew 18:21-35

Nagtanong naman si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid? Pitong beses ba?” “Sumagot si Hesus: “Tungkol sa Kaharian ng Langit ang istoryang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin

ng utang ang kanyang mga utusan.  … Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: 'Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang makiusap ka sa akin. Hindi ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa
iyo?' Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpahirap hanggang mabayaran nitong lahat ang utang.” At Idinagdag ni Hesus: 'Ganito rin ang
gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”  
Pagninilay:

Ang saysay natin at buong pagkatao ay maaring mawalan ng halaga, kapag nawalay tayo sa Diyos dahil sa ating kasalanan, tigas ng puso at hindi pagpapatawad. Kaya ang bilin ng Panginoong Hesus sa panalanging Ama Namin, “Patawarin Mo kami sa aming mga sala, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin!” Dito naka-angkla ang pagpapatawad natin sa nagkasala sa atin.  Una tayong pinatawad ng Diyos, kaya marapat lamang na igawad din natin ang pagpapatawad sa mga

nagkasala sa atin.  Tunay ngang mahabagin ang Panginoon, at mapagbigay sa mga taong mapagpatawad. Minsan kasi, mas gusto pa nating manatili sa kinasasadlakang dusa. “Lord, dito na lang muna ako ha. Aayusin ko muna ang buhay ko, wag mo na muna akong puntahan. Ang dumi-dumi ko, punong-puno ako ng
kasalanan. Pero alam po ba ninyo, na isang hakbang lamang palapit sa kanya ang kailangan nating gawin? Abot-kamay siya. Lumapit ka lang, siya pa ang tatakbo papalapit sa iyo. Mga kapanalig, sa iyong paghahanap sa Diyos na maawaing tunay, Siya mismo ang nakahanap sa iyo. The one we are looking for to ask forgiveness, was actually the one who found us first, and now gives meaning to the lost-and-finding. Iniaalis niya tayo sa
kasalanan at sa dala nitong kalungkutan. At sa paghahanap natin sa kanya, siya ang nakahanap sa atin. Ito naman ang saysay ng Kuwaresma, di ba? Ang Manalangin, Mag-ayuno at Magbigay ng limos sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan nito, matatagpuan tayo ng Diyos, at maibabalik tayo sa dati nating
pagkatao, kung papaano Niya tayong nilikha sa simula’t simula, bago pa tayo magkasala sa kaniya. Ang magpapabanal sa atin ay kababaang loob at pagpapatawad, lalo na sa mga taong, mahirap patawarin. Kapanalig, Magpatawad ka na, dahil una ka nang pinatawad ng Diyos.  

-       Fr.  Edward Dantis, SSP l Society of St. PAul

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings