Mabuting Balita l Marso 6, 2024 – Miyerkules
sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Matthew 5:17-19
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang
magbigay-kaganapan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nababago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magturo ng mga
tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.”
Very blessed nga ang mga alagad dahil sa kanila unang ni-reveal ng ating Hesus Maestro na Siya ang katuparan ng lahat ng
sinasaad at nilalaman ng Lumang Tipan. Sinabi Niya na naparito Siya para ipaliwanag, at maging ganap ang Kautusan at mga Aral ng mga Propeta. Na-remember nyo ba ang pagbabagong-anyo ng Panginoon? Di ba tanging si Pedro, Jaime at Juan ang pinili na masaksihan ang Kanyang busilak? Kasama Niya si Moises at si Elias. Kumakatawan si Moises sa Kautusan. Si Elias naman ang sa
mga propeta. Ano nga ba ang mga Kautusan at ang mga Aral ng mga Propeta? Naka disenyo ito para pukawin at ipatupad ang pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa. Pag-ibig ang buod ng lahat ng ito, at ang ating Hesus Maestro ang exemplary human form ng pag-ibig. Nangaral Siya na sundin ang Kautusan habang
tumatalima Siya sa Kanyang itinuturo. Tapat Siya sa kautusang moral kaya bilang buhay na Karunungan, nagsabuhay Siya na naaayon sa kalooban ng Ama. Tinupad Niya ang kautusang seremonyal sa pamamagitan ng pag-aalay ng Sarili. Hindi ito nalalayo sa Konstitusyon ng ating Bansa na laman ang mga panuntunan na maka-Diyos, maka-Pilipino, maka-Tao. Kung isasabuhay natin ito, tayo ay magiging ulirang Pilipino. Napakahalaga nito. Ayon nga sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, sana saliksikin nang tama, mapag-usapan na nakaugat sa karunungan ng Diyos. Sa pino-promote na “lagda system” ng People’s Initiative para sa Charter change, discern well kung nauukol nga ba ito sa tunay na kabutihan ng bayan at ng lahat ng Pilipino. Sa mga Kautusan at Aral ng mga Propeta, hindi ito binago ng ating Panginoon, kundi pinataas ng antas. Sa
paanong paraan? Inako Niya, isinabuhay at nag-alay ng sarili. Sana tayo rin. Lahat ng ating motibo, ukol sa ikabubuti ng ating bansa na nakaugat sa turo ng ating Panginoon. Kung ano man ang nakasulat sa ating Saligang Batas, bakit hindi natin muna ito isabuhay nang tapat? Nang sa gayon, mabibigyan natin ito ng panibagong mukha. Ito ang mukha ng mga buhay na saksi
ng tunay na maka-Diyos, at totoong nag-aalay ng sarili para sa lahat. Kaya nga sinabi na magwakas man ang langit at lupa, pero ang kaliit-liitang bahagi ng kautusan ay hindi mawawalan ng bisa. Ngayong Kuwaresma, mag-iba-iba man ang kulay at sinag ng buwan, matindi man ang sikat ng araw o puno ng ulap ang kalangitan, maaninag nawa sa atin ang maluwalhating liwanag ng ating Hesus Maestro na sumasagisag sa kautusan at watawat ng pag-ibig.