Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 7, 2023
Martes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mt 23:1-12
Sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi subalit huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawait sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao. “Huwag kayong patawag na 'guro' sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din ninyong tawaging 'ama' ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na 'gabay' sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang magpapakataas at itataas ang nagpapakababa.”
Pagninilay:
“Sino ang Iyong Guro?” Sa maikling panahon sa aking buhay, naranasan ko ang makapagturo sa mga kabataan. May isang kasabihan sa aking paaralan na ‘di ko malilimutan bilang paalala: Ang guro sa silid aralan, tulad ng isang palaso, ay tagapagturo at tagapagdala tungo sa tunay na Guro nating lahat– si Hesus mismo, Siya ang ating Gurong Banal. Mga kapanalig, panahong muli ng Kuwaresma, ipinaaalala sa atin ng liturhiya ng Simbahan ang palagiang pag-ninilay tungkol sa ating buhay. Sa panahong maraming naglipanang animo’y mga guro o influencer o vloggers na nagbibigay gabay o inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng Social Media, huwag sana nating malimutan ang tunay na Guro: Si Hesus. Sa ating pagninilay, ating alalahanin na si Hesus ang Salita ng Diyos na bukal ng Katotohanan. Siya ang lamang ang Daan ng tunay na Kaligtasan. Sa kanya lamang nagmumula ang ganap na kagalingan at Buhay na Walang Hanggan. Mapagyaman nawa natin ang impluwensiya ng kanyang aral ng Pag-asa, Pananampalataya at Pag-ibig sa ating buhay araw-araw.
Cl. Buen Andrew Cruz, SSP / Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings