Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 8, 2023
Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mateo 20:17-28
Nang umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa. At habang nasa daan ay sinabi n’ya sa kanila, “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanyang kamatayan. Kaya ibibigay nila s’ya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus; ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan, kasama ang dalawa niyang anak at lumuhod sa harap n’ya para makiusap. Tinanong s’ya ni Hesus, “Ano ang ibig mo?” “Narito ang dalawa kong anak, iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong kaharian.” “Hindi n’yo alam ang inyong hinihingi, maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi, “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo. Ang may gustong maging dakila, s’ya ang maging lingkod n’yo. Ang may gustong mauna sa inyo, s’ya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.”
Pagninilay:
Mga kapanalig, malaki ang kaibahan ng pangako at pagtupad sa salita. Mas malimit kasi napapako ang pangakong madali nating binibitawan. Kaya sa tanong ni Jesus kung kaya ng dalawang alagad na sumama sa Kanya hanggang sa paghihirap, agad-agad silang tumugon, na kaya nila. Pero nang dumating ang oras na tinutukoy ni Jesus, iniwan Siyang mag-isa ng Kanyang mga alagad. Maging si Pedro na nagsabing hinding-hindi niya iiwan si Jesus, mamatay man siya, puro salita lang pala at kulang sa gawa. Kaya mga kapanalig, huwag tayong panghinaan ng loob kung may mga pagkakataong hindi natin matupad ang ating mga ipinangako. Hindi tayo nag-iisa sa kahinaang ito, dahil kasama natin ang mga unang alagad ng Panginoon. Pero kahit naiintindihan tayo ni Jesus kung paminsan hindi tayo nakatutupad sa ating pangako, huwag naman sana tayong masanay at manatili sa ganitong kahinaan, dahil ang relasyon naman natin sa kapwa ang maapektuhan. Kung lagi tayong papalya sa pagtupad ng ating mga pangako, mawawalan tayo ng credibilidad at hindi na magiging kapani-paniwala ang ating sasabihin.
Sr. Lines Salazar, fsp / Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings