PAULINES

MABUTING BALITA l MAYO 1, 2022 - LINGGO


Listen Later

MABUTING BALITA

MAYO 1, 2022 - LINGGO

Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay


Ebanghelyo: Jn 21: 1-19

Muling ibinunyag ni Hesus ang kanyang sarili sa mga alagad sa may Lawa ng Tiberias. Ibinunyag niya nang paganito. Magkakasamang naroon sina Simon Pedro, Tomas, na tinaguriang kambal, Nathaniel, na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pa sa mga alagad niya. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro: “Aalis ako para mangisda.” Sinabi nila sa kanya, “Sasama kami sa ‘yo.” Lumabas sila at sumakay sa bangka, ngunit wala silang nahuli ng gabing ‘yon. Nang madaling-araw na, nakatayo si Hesus sa dalampasigan pero hindi nakilala ng mga alagad na si Hesus iyon. Tinatawag sila ni Hesus: “Mga bata, may kaunti kaya kayong makakain?” Sumagot sila sa kanila: “Wala!” Sinabi naman niya sa kanila: “Ihulog ninyo sa may bandang kanan ng bangka ang lambat at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nga nila at hindi na nila makayanang hilahin iyon sa dami ng isda. Kaya sinabi ni Pedro sa alagad na ‘yon na mahal ni Hesus, “Ang Panginoon s’ya!” Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon ‘yon, nagsuot s’ya ng damit sapagkat hubad s’ya at saka tumalon sa lawa. Dumating naman ang iba pang mga alagad sakay ng bangka sapagkat hindi sila kalayuan mula sa pangpang kundi mga sandaang metro lamang. Hinila nila ang lambat ng mga isda. Kaya nang makalunsad sa lupa, nakita nilang may nagbabagang uling doon, na kinaihawan ng isda at may tinapay. Sinabi sa kanila ni Hesus: “Halikayo’t mag-almusal!” Wala namang makapangahas sa mga alagad na mag-usisa sa kanya: ‘Kayo ba’y sino?’ dahil alam nilang si Hesus iyon. Lumapit si Hesus at kumuha ng tinapay at ipinamahagi sa kanila. Gayundin ang ginawa niya sa isda. Ito ang ikatlong pagpapahayag ni Hesus sa mga alagad matapos siyang ibangon mula sa mga patay. 

Pagninilay:

Mula sa panulat ni Fr. Brian Paul Tayag, SSP ang ating pagninilay ngayon. Alam ni Hesus na hindi siya mamalagi ng matagal dito sa mundo at sa takdang panahon muli siyang babalik sa kanyang Amang nasa langit. Kaya upang maipagtuloy ang kanyang nasimulan humirang siya ng mga alagad at tinawag na mga apostoles. Isa sa labindalawang tinawag si Pedro, ibig sabihin ay bato. Mababasa sa Bibliya ang mga iba’t-ibang kaganapan na kung saan si Pedro ang nag silbing lider at spoke-person ng grupo. Saksi si Pedro sa Transfiguration ni Hesus. Noong tinanong sila ni Hesus kung sino siya para sa kanila ang sagot ni Pedro, “Ikaw ang Kristo, ang anak ng Diyos. Hindi perpektong apostoles si Pedro, ngunit para kay Hesus si Pedro ay isang work-in-progess na pupwedeng magbago at umayon sa nais ni Hesus. Tatlong beses mang itinanggi ni Pedro si Hesus, sa ating Ebanghelyo makatlong ulit tinanong ni Hesus si Pedro, “Peter, do you love me? Ginawa ni Hesus ito upang papanumbalikin ang tapang at pananampalataya ni Pedro. Nakita ni Hesus kay Pedro ang kadakilaan at kababaang-loob kaya naman, binigyan ng kapangyarihan ni Hesus si Pedro upang maglingkod sa mga tao. Tayo rin madalas nating itinatatwa si Hesus dulot ng ating mga kasalanan. Subalit dahil sa labis ang pagmamahal sa atin, paulit-ulit niya tayong binibigyan pagkakataong upang magbalik-loob at piliin siya. Si Hesus ang mukha ng habag ng Diyos - siya ay Dives in Misericordia.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings