PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 11, 2023 - Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 11, 2023 - Huwebes

Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay





Ebanghelyo:  Jn 15:9-11

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.”

 

Pagninilay:

Kapanalig, nakaranas ka na ba ng true love?  Naniniwala ako na ito ang dream nating lahat. Ang maging true love ng minamahal natin. Ang hangarin nating ito, nakaugnay sa layunin ng Diyos para sa atin “ang hangarîn ang tapat at wagas Niyang pag-ibig.” Likas sa Diyos ang magmahal dahil ito ang

Kanyang pangalan. Ito ang Kanyang proof of identity. Nakikilala natin Siya, sa pagmamahal Niya sa atin. Sa Mabuting Balita na narinig natin, nakakamanghang
pakinggan ang tatlong beses na pagbigkas ng ating Hesus Maestro. Manatili sa aking pag-ibig. Mananatili kayo sa aking pag-ibig. At ang pang-huli? Manatili
kayo sa Kanyang pag-ibig. Dahil tapat ang pagmamahal Niya sa atin, ibig Niyang manatili tayo sa Kanyang panawagang magmahal. How can we remain in this call to love? Ang tumupad sa Kanyang mga Utos na magmahal. Sa number One na lang na commandment, doon na nakasulat ang tunay na tugon. “Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat.” Ito ang sentro at pundasyon sa susunod pang siyam.  Gaano natin Siya dapat mahalin? Nasusulat, hindi tayo sasamba sa mga diyus-diyosan. Halimbawa, sa diyus-diyosan ng kapangyarihan, kayamanan, o ng pagkahumaling sa kapwa. Mangilin tayo tuwing Linggo. Sa araw ng Panginoon, alin ang inuuna natin, ang mag-relax at chill lang, o ang taimtim na pagsimba? Sa susunod na pitong utos, tungkol ito sa pagmamahal sa ating kapwa. Nananatili tayo sa pagmamahal ng Diyos kapag iginagalang natin ang ating mga magulang, ang buhay ng ating kapwa, ang ugnayan ng mag-asawa, ang yaman ng ating kapwa, at ang katapatan natin sa ating sinumpaan. Sa pagtupad natin dito, tayo ang nagiging channels of true love ng ating Panginoon. Kapag tinutupad natin ito, ating matatagpuan ang hiwaga ng lalim ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Kaya’t punuin natin ng pag-ibig ang ating paligid. Balang araw, mapapawi na ang digmaan, ang pagtataksil, ang suklam, ang kawalan ng katarungan, dahil bawat isa sa atin, may naiabot na ambag na tapat na pag-ibig mula sa Diyos.

 

-Sr. Gemmaria Dela cruz, fsp l Daughters of St. Paul

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings