PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 11, 2024 –  Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 11, 2024 –  Sabado

Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay     

Ebanghelyo: Juan 16:23-28

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin, sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n’yo sa Ama sa Ngalan ko, ay ipagkakaloob n’ya sa inyo. Wala pa kayong

nahiling sa Ngalan ko. Humiling kayo ngayon at tatanggap kayo at malulubos ang kagalakan ninyo. Sa paghahambing ko lamang ipinahayag sa inyo ang mga ito. Ngunit palapit na ang oras na hindi ako gagamit ng paghahambing kundi tahasan ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa ngalan ko kayo hihiling sa araw na ’yon; hindi ko ibig sabihin na hihingi ako sa Ama alang-alang sa inyo,
ngunit mismong ang Ama ang umiibig sa inyo dahil umiibig kayo sa akin at naniniwala na mula ako sa Diyos. Galing ako mula sa Ama at dumating sa mundo.
Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.”

 

Pagninilay:

Aalis na ako sa sanlibutan at babalik sa Ama. Nagpapaalam na ang ating Hesus Maestro sa Kanyang mga alagad. Nag-heart-to-heart Siya sa kanila sa nalalapit na pagwakas ng Kanyang “divine earthly mission”. Para sa Kanya, napapanahon nang ibunyag na “Nagmula Siya sa Diyos at naparito Siya sa sanlibutan, para sa pag-akò sa

kasalanang hindi Niya ginawa, at harapin ang kahiya-hiyang kamatayan, para handugan tayo ng panibagong-buhay at ng muling pagkabuhay. Ikalawa, sa Kanyang
pagbabalik-anyong Espiritu, namaalam Siya sa mga alagad at umakyat sa Diyos Ama. Ito ang i-cecelebrate natin bukas. Bago siya umalis, ipinagkatiwala Niya
sa mga alagad  ang misyon ng pagpapahayag
ng Magandang Balita sa buong mundo. Ito ang Missio ad gentes. Bilang Simbahan, tinatawag natin ito na World Communications Day na pinasinayaan ni Pope Paul VI
noong 1967. Ngayong taon, makahulugan ang pahayag ni Pope Francis tungkol sa kahalagahan ng “karunungan ng puso”. Kailangan daw natin ito sa pang-araw-araw
nating pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Nakakamit natin ang karunungan sa mga natututuhan natin sa mga karanasan, pagpulot ng aral sa mga maling nagawa,
at sa pagsasaliksik ng kung ano ang tama. Samantalang ang puso naman ay ang tahanan ng katotohanan at pagpapasya. Sinisimbulo nito ang integridad at
pagkakaisa. Higit sa lahat, ang puso ang panloob na tagpuan natin sa Diyos. Kaya’t pagsikapan nating taglayin ang karunungan ng puso dahil malaki ang pananagutan natin sa bawat nabibitawan nating salita.

-       Sr. Gemmaria Dela cruz, fsp l Daughters of St. Paul

      

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings