PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 12, 2024 - Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 12, 2024

Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay        

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon

Araw ng Pandaigdigang Pakikipagtalastasan

           

Ebanghelyo: Marcos 16,15-20

Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan,

magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon
at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.

 

Pagninilay

Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin kung papaano kinatagpo ni Hesus ang kanyang mga alagad sa Galilea at inatasan sila: “Humayo kayo sa buong mundo at

ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.” Sa Galilea sila unang tinawag, sa Galilea din sila isinusugo. Ang tawag ng Simbahan ngayon ay ang “New Evangelization”. Sabi ni Papa San Juan Pablo II, sa kanyang liham ensiklikal na Redemptoris Missio, may tatlong katangian daw ang Bagong Ebanghelisasyon: bagong paraan, bagong pagpapahayag, at bagong sigla. Sabi naman ni Papa Francisco, ang Bagong Ebanghelisasyon ay nangangailangan ng personal na pakikilahok ng bawat isa sa mga binyagan. Tayong
lahat ay mga disipulong isinusugo, mga missionary
disciples.  Ang bawat Kristiyano na nakaranas ng pag-ibig ng Diyos kay Hesukristo ay misyonero.  Mga kapanalig, tandaan natin, katulad ng mga alagad na kinatagpo ni Hesus sa Galilea bago siya umakyat sa langit, tayo rin
ay kanyang isinusugo upang ipangaral ang Magandang Balita”.

-      Fr. Rolly Garcia

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings