PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 17, 2023 – Miyerkules


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 17, 2023

Miyerkules sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay




Ebanghelyo: Jn 16:12–15

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa sana akong sasabihin sa inyo subalit hindi ninyo mauunawaan ngayon. Darating naman S’ya, ang Espiritu ng katotohanan, at maghahatid sa inyo sa buong katotohanan. Wala na S’yang sasabihin mula sa ganang sarili kundi ang lahat n’yang maririnig ang kanyang bibigkasin at ang mga bagay na darating ang ibabalita niya sa inyo. Ibabalita n’ya sa inyo ang tatanggapin n’ya mula sa akin, at sa gayon n’ya ako luluwalhatiin. Ang tanang sa Ama ay akin. Dahilan dito kaya ko sinabing ‘Mula sa akin s’ya tatanggap at magbabalita sa inyo.’”

 

Pagninilay:

Mga kapanalig, ibinahagi ni Hesus sa atin, at sa buong sangkatauhan ang biyaya ng kanyang pagiging Anak ng Diyos. Sa pamamagitan nya at ng Banal na Espiritu, nagiging mga tunay na anak din tayo ng Diyos. “Datapwa’t ang lahat ng sa kanya’y tumatanggap, at sumasampalataya sa kanyang pangalan, ay bibigyan niya ng kapangyarihan na maging mga anak ng Diyos” (Jn1:12) Dahil yan ang ating pagkakakilanlan. Pero, sa ating pang araw- araw na buhay, paano ba natin naisasabuhay ang pagiging mga anak ng Diyos? Ang Espiritu ng Katotohanan ang mag-aakay sa atin upang makilala ang Diyos bilang Ama nating lahat. Kung kaya’t pinadala sa atin ang Espiritu ng kanyang bugtong na Anak bilang patunay sa katotohanang ito.  Ito ang pahayag ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Galatia. “Sapagkat kayo ay kanyang mga anak, sinugo ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa inyong mga puso, na sumisigaw: “Abba Ama!” (Gal.4:6)

Mga kapanalig, Si Kristo ay muling nabuhay at nananahan sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sikapin nawa nating maging sensitibo sa

presensiya ng Diyos sa ating buhay, sa lahat ng Kanyang nilikha at sa pamamagitan ng pagninilay at pagdarasal sa Mabuting Balita. Dito ipinahihiwatig
ng Diyos ang Kanyang sarili at ang Kanyang banal na kalooban para sa atin, at kung paano gumagalaw ang Banal na Espiritu sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

 

 Sr. Gemma Gamab, fsp l Daughters of St. Paul

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings