PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 18, 2023 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 18, 2023

Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay



Ebanghelyo: Jn 16:16–20

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sandali pa at hindi n’yo na ako muling makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako.” At sinabi ng kanyang mga

alagad sa isa’t isa: “Ano ba itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako’ at ‘Papunta ako
sa Ama’?” Kaya sinabi nila: “Ano ba itong ‘sandali’? Hindi natin alam kung ano ang sinasabi n’ya.” Alam ni Hesus na niloob nilang tanungin s’ya at sinabi n’ya
sa kanila: “Itinatanong n’yo sa isa’t-isa ang ibig kong sabihin, ‘Sa sandali pa at hindi n’yo na ako makikita, at sandali lamang at makikita n’yo ako.’
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy, ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang
inyong kalungkutan.

 

Pagninilay:

Ano kaya ang ibig sabihin ni Hesus sa mga salitang, “kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, at pagkaraan nang kaunti pang panahon, ako’y inyong makikitang muli.” Para bang namamaalam na si Hesus, pero sa kabila nang pagpapaalam niya, siya naman ay nangangakong babalik, at muli siyang makikita nang kanyang mga alagad. Ang mga salitang ito ay tungkol sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Siya ay mawawala sa kanilang piling, pero siya’y babalik at muli nilang makakasama. Ang kanyang kamatayan ay magdadala nang kalungkutan, at pagkatakot, pighati at madamdaming pagkawala, sa kanyang mga minamahal na mga alagad. Pero, sa kabilang dako naman, mauuwi ito sa kasiyahan at kaligayahang dala nang kanyang muling pagkabuhay.  Magbibigay ito nang bagong lakas, sigla at pag-asa. Ang kanyang muling pagkabuhay, ay hudyat nang lakas sa pananampalataya, na walang anumang hahadlang o sisira sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos at ng Diyos sa atin. Ang presensya ni Hesus ay laging may dalang kagalakan, lalo na sa ating mga puso. Ang malaking hamon sa atin, ay kung papano natin mapapanatili ang presensiya ni Hesus sa ating buhay; at mapalago ang ating pakikipag-ugnayan sa kanya. May mga araw na para bang lumulubog o nawawala ang Diyos sa ating buhay.  Bunga ito marahil nang maling kaisipan, maling kagustohan at maling kapasyahan. Mga kapatid, kung nasa ganito tayong sitwasyon, lalo pa nating pagsumikapang panatilihing makita ang buhay na pag-ibig nang Diyos

sa ating buhay. Si Hesus ay laging nariyan sa ating piling pero, ang nakakalungkot, tayo naman ang pilit na lumalayo, at pilit na bumabalik sa madilim na yugto o kabanata nang ating karanasan sa buhay. 

  -Fr. Joe-Nelo Penino – St. Francis Xavier Parish, Archdiocese of Caceres

 

 

 



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings