Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 19, 2023
Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 16: 20-23
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan. Namimighati ang babaeng malapit nang manganak sapagkat sumapit na ang oras niya. Ngunit pagkasilang sa sanggol, hindi na niya naaalaala ang dalamhati dahil sa galak: pumasok sa mundo ang isang tao! “Gayundin kayo namimighati ngayon. Ngunit muli ko kayong makikita at magagalak ang inyong kalooban, at walang makaaagaw sa galak ninyo. At sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n’yo sa Ama sa Ngalan ko ay ipagkakaloob niya sa inyo.”
Pagninilay:
Naranasan nyo na ba ang sobrang kagalakan o kasiyahan sa inyong puso? Ang Mabuting Balitang ating napakinggan, nauukol sa magiging katuparan ng buhay ni Hesus. Sinabi Niya sa kanyang mga alagad ang katotohanan, na kinakailangang makaranas sila ng pagtangis at kapighatian, habang ang daigdig ay nagdiriwang. Ipinapaalala ni Hesus na daranasin Nya muna ito; pero may kagalakang dimmmasusukat ang kapalit, na kanilang mararanasan. Minsan, may isang ina na nagbahagi ng kanyang near death experience, noong siya'y nanganak ng kanyang ika-tatlo at bunso nilang anak. Matindi ang dinanas niyang hirap sa panganganak, at kinakailangan pang salinan siya ng dugo. Ayon sa kanya, habang siya’y nanganganak, naranasan niya na para siyang pumapasok sa mahabang tunnel. Nang makarating na siya sa dulo, nakita niya na ito’y napakaliwanag, napakatahimik, napakasaya, at napakagaan ng kanyang pakiramdam. Nalaman niya na ito na ang hardin ng paraiso o langit. Pero nakiusap sya kay San Pedro, at nagdasal ng ganito: “Papaano naman po Lord ang aking mga anak na maliliit pa, kung sila’y aking iiwan, lalo na ang aking bagong silang na bunso? Di po ba nakakaawa naman sila?” Maya-maya pa’y nagising na siya, at masayang-masaya; dahil nakaraos na siya at buhay pa! Mga kapanalig, kung isa man tayo sa nakararanas ng matinding pagsubok sa mga
-Sr. Susan Penaflor, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings