Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA
MAYO 2, 2022 - Lunes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 6: 22-29
Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ang kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil sa nakita ninyo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain ninyo at kayo ay nangabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.”
Pagninilay:
Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Mabibigat ang mga salitang ito ni Hesus! Alam Niya, na samantalang marami ang nakikinabang at nag eenjoy sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya, hindi naman nakikinig sa kanyang Salita. Tingnan natin ang ating mga adhikain bilang Kanyang mga taga-sunod. Sumusunod ba tayo sa Kanya dahil tayo’y nabubusog at may natatanggap? Mga kapatid, umuunlad o bumabagsak ang anumang sibilisasyong pantao, kultura at maging mga organisasyon. Ano nga ba ang nananatili at may kahulugan. Mga kapanalig, patuloy tayong naghahanda para sa ating nalalapit ng national ang local elections. Isaalang-alang natin ang mga lider na may track-record ng tunay na nagmamalasakit at may puso sa mga kapatid nating nasa laylayan ng sosyedad. (Yung nakikinig at nagbibigay ng boses sa mga mahihirap at madalas na naiiwanan nating mga kapatid. Handang magresponde sa oras nang krisis o sakuna. Nakikita at nararamdaman mo ang kalidad ng kanilang presensiya.) Kaya, Ipagdasal natin ang ating mga kandidato at lahat na boboto at para sa isang peaceful, honest and credible elections. Ngayong araw, dumulog tayo sa Diyos na maging sensitibo at matulungin tayo sa nangangailangan-maging bukas sa pakikinig sa mga maralita. Tumugon tayo sa nangangailangan ng tulong espiritwal o materyal, sa abot ng ating makakaya. Hindi ba’t maraming bagay na ating ginagawa ngayon ang wala ng saysay sa kabilang buhay? Ngunit may mga bagay na makahulugan ang mga “bunga ng Espiritu, pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang-loob, kabaitan, pagtitiwala, kaamuan at pagtitimpi.” Gal 5:22. Kapatid, handa ka bang maging daluyan nito? Siya nawa!
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings