Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 2, 2023 – Martes
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 10:22-30
Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa aking mga kamay. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”
Pagninilay:
What a great revelation! Ang Diyos Ama at ang ating Hesus Maestro, iisa. Hindi nga ba’t ang mga alagad, nakawitness ng pagpapakain Niya sa libu-libong tao, pagpapalakad ng pilay, pagpapanumbalik ng pagsasalita ng pipi. Mayroon din sa kanila na naging saksi ng Kanyang transfiguration. Ito ang Katotohanan na ang Ama na sumasa-Anak ay ang kanilang nararanasang presensya. Ang Ama na sumasa-Anak ay ang kanilang nasasaksihan sa paggawa ng kamangha-manghang bagay. Ang Ama na sumasa-Anak ang kanilang kaibigan. Kay palad natin dahil sa pagbubunyag nito ng ating Hesus Maestro, tayo rin inaanyayahang maging kaisa Niya at ng Ama. Sa paano’ng paraan? Lagi sana nating balik-balikan sa ating pagninilay ang hiwaga ng ating pagiging kawangis at
-Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings