Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes
Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon
Paggunita ng Mahal na Birheng Maria , Ina ng Sambayanan
Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat ngunit kailangang maganap ang isa pang kasulatan at sinabi n’ya: “Nauuhaw ako.” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak kaya ikinabit nila sa isang isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniiti nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi n’ya: “Natupad na.” At pagkayuko ng
Naroon si Maria sa paanan ng Krus, nakiramay siya sa sidhi ng pagdurusa ng kanyang Anak. Habang nakikiisa siya sa matinding sákit, lalong naging marubdob ang kanyang pakikinig sa bawat binibigkas ng Kanyang Anak. “Ginang, narito ang iyong anak… Narito ang iyong ina.” Isang pag-atas ang narinig niya. Atas ng paglingap. Sa paglingap ni Maria sa mga apostol, debosyon naman sa kanya ang inaasahan sa kanila. Doon nagsimula ang special bond ng mga apostol sa ating Inang Maria. Noon at ngayon, tapat na nakikiramay at nakikilakbay siya sa atin. Tayo naman na hinirang bilang Katawan ng kanyang
-
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings