PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 23, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 23, 2023

Martes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 17:1-11a

Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Ama, sumapit na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang makaluwalhati sa iyo ang Anak; ipinagkaloob mo nga sa kanya ang kapangyarihan sa bawat tao at gusto mong pagkalooban niya ng walang hanggang buhay ang lahat ng bigay mo sa kanya. Ito naman ang buhay na walang hanggan: ang kilalalanin ka, ang tanging totoong Diyos at ang sinugo mong si Jesucristo. Niluwalhati kita sa lupa, ginanap ko ang trabahong ipinagawa mo sa akin. At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa akin na katabi mo ang luwalhating akin sa tabi mo bago pa man nagkaroon ang mundo. Ipinahayag ko ang pangalan mo sa mga taong kinuha mo sa mundo at ipinagkaloob sa akin. Iyo sila at sa akin mo sila ipinagkaloob, at tinupad nila ang iyong salita. At nakilala na nila na sa iyo galing ang lahat ng ipinagkaloob mo sa akin. Talaga, ipinagkaloob ko sa kanila ang mga salitang ipinagkaloob mo sa akin, at tinanggap nila at kinilalang tunay na sa iyo ako galing, at naniwala sila na ikaw ang nagsugo sa akin.  “Ipinagdarasal ko sila. Hindi ang mundo ang ipinagdarasal ko kundi ang mga ipinagkaloob mo sa akin dahil iyo sila. Iyo ang lahat sa akin, at akin din naman ang sa iyo, at naluwalhati ako sa kanila. Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila gaya natin.”

 

 Pagninilay:

Narinig natin ang maalab na pagsamo ng ating Panginoong Hesus sa Diyos Ama.  Bilang paghahanda, bibigyan na Siya ng parangal hindi lang

bilang Salita kundi ang tagumpay ng pag-aalay ng Kanyang buong buhay mula sa Krus. Kaya taos ang hiling ng ating Panginoong Hesus na parangalan Siya ng
Diyos Ama, nang maging marapat din ang pagpaparangal Niya sa Kanyang Ama. Last Sunday, nagcelebrate tayo ng Pag-akyat sa Langit ng ating
Panginoon.  Nagdiwang din tayo ng World Communications Day. Ito ang komunikasyon bilang ating misyon. Sa pagpapayahag natin na muling nabuhay ang ating Panginoon mula sa pagkamatay sa Krus, inaasahan din tayong parangalan Siya sa ating gawa. Ito ang tunay na kahulugan ng komunikasyon, ang mapagmahal na pagbibigay ng sarili alang-alang sa kaligtasan ng lahat. Kung kailangan nating magpasan ng hirap sa Ngalan ng Diyos ng Pag-ibig, gawin natin nang tapat at taos sa puso. Sa ganitong paraan, nabibigyang parangal natin ang Diyos na Hari ng ating Kaligtasan.  

- Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings