Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 25, 2023
Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 17:20-26
Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung paanong nasa akin ka Ama, at nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nagsugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwalhating ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya nang tayo ay iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya malulubos sila sa kaisahan, at kikilanlin ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin at nagmahal ako sa kanila gaya ng pagmamahal mo sa akin. Ama, sila ang ipinagkaloob mo sa akin kaya niloloob ko na kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at makita nila ang kaluwalhatian kong kaloob mo sa akin sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi kumilala sa iyo ang mundo; kumilala naman ako sa iyo at kinilala rin ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahahayag ko sa kanila ang Pangalan mo at ihahayag pa upang mapasakanila ang pagmamahal mo sa akin at ako rin ay mapasakanila.”
Pagninilay:
Narinig natin SaMabuting Balita, ang mensahe ng Panginoon na mahalaga sa ating mga tao ang pagkakaisa, upang magkaisa tayo sa kanya. God wants Teamwork. He works with the team. Nais ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay nagkakaisa. Simula pa noong una, nakiisa na ang Diyos sa tao. Sa pagpili Niya kay Maria na maging ina ng kanyang Anak na nagkatawang-tao, upang iligtas ang santinakpan. Sa tagpong ito, nakita natin na nakiisa ang Diyos at nakipagtulungan sa atin para sa ating kaligtasan. Noong nagsimula si Hesus ng kanyang ministeryo, tumawag siya ng labindalawang alagad na makakatuwang niya sa misyon. (Kasama niya sila sa paglalakbay upang mangaral ng Salita ng Diyos, gumawa ng mga himala, magpagaling at anyayahan ang mga tao na magsisi at magbalik-loob sa Diyos. Maging sa tagpo ng Transfiguration sa Bundok ng Tabor, may kasama siyang mga alagad na nakasaksi ng kanyang pagbabagong-anyo.) Mga kapatid, kung may pagkakaisa, pinagpapala ng Diyos. Kung may pagkakaisa ang isang komunidad, may magandang resulta ang mga proyekto; nagiging madali ang mga gawain dahil nagtutulungan at maraming nakukuhang blessing. Ang Kristiyanismo ay tungkol sa pagkakaisa. Pagkakaisa nga, ang direksyon ng pag-ibig. Kaya ito ang ipinapanalangin ng Panginoong Hesukristo sa Kanyang Ama, na magkaisa tayong lahat sa Ngalan Niya. Ginagamit ng Panginoon ang bawat isa sa atin upang magkaisa tayo sa kabutihan at sa pagkakawang-gawa. Idalangin natin na maghari nawa ang pagkakaisa sa bawat pamilya, komunidad, bayan at sa buong mundo, Amen.
-Bro. Heribert Ma. Carbonara, MMHC (Marian Missionary of the Holy Cross)
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings