Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 26, 2023
Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 21:15-19
Nagpahayag si Hesus sa kanyang mga alagad nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?” “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”
Pagninilay:
Narinig natin sa Mabuting Balita na tatlong ulit na tinanong ni Hesus si Pedro, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Patay ang pagmamahal na nakapaloob lamang sa damdamin at hindi isinasagawa. Tunay na nabibigyang buhay lamang ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod. Sa pagtiyak ni Pedro kay Hesus ng kanyang pagmamahal, may kaakibat itong responsibilidad ng paglilingkod sa kanyang kawan. Binibigyan din tayo ng inspirasyon ng santong ang kapistaha’y ipinagdiriwang natin ngayon, si San Felipe Neri, upang mamuhay ng banal sa pamamagitan ng pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa, na kanyang masayang isinabuhay sa paglilingkod. Matindi man ang pag-uusig na naranasan ni San Felipe Neri at ng Apostol na si Pedro, hanggang sa kamatayan na patiwarik na krus, natanggap naman nila ang tunay na kagalakang nagmumula lamang sa dakilang pagmamahal ni Hesus.
Mga kapanalig, hinahamon tayo ng Mabuting Balita ngayon, na pagsikapang mamuhay ng banal, sa papamagitan ng pagmamahal sa Panginoon at sa ating kapwa, sa paraan ng masayang paglilingkod ayon sa malasakit na ipinamalas ni Hesus. Nawa sa ating paglilingkod, napapabuti ang buhay ng ating pinaglilingkuran at nailalapit natin sila kay Hesus.
-Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings