PAULINES

MABUTING BALITA l Mayo 29, 2022 – SUNDAY


Listen Later

MABUTING BALITA

Mayo 29, 2022 – SUNDAY

Pag-akyat ng Panginoon (K)

56 Araw ng Pandaigdigang Pakikipagtalastasan


Ebanghelyo: Lk 24: 46-53

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y, buhayin sa ikatlong araw.  Sa ngalan niya ipapahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan. Sa Jerusalem kayo mag sisimula.  Kayo ang magiging saksi sa mga ito. Ipadadala ko naman ngayon sa inyo, ang ipinangako ng aking Ama. Kaya manatili kayo sa Lungsod hanggang mabihisan kayo ng lakas mula sa itaas.” At lumabas sila ni Hesus hanggang sa may Bethania. At itinaas niya ang kanyang mga kamay at binasbasan niya sila. Humiwalay siya sa kanila at dinala sa langit. Sinamba naman nila siya. Nagbalik sila sa Jerusalem napuspos ng galak, at lagi sila sa Templo na nagpupuri sa Diyos.

Pagninilay:

You are witnesses of these things. And behold I am sending the promise of my Father upon you.

Mission Accomplished, naganap na nga ang misyon ni Hesus sa mundo at siya ay babalik na sa mahal na Ama. Tayo ay kalakbay niya sa pananampalataya. Habang tayo ay naghihintay na makasama siya, tinawag naman tayong magsilbi sa mundo bilang Kaniyang saksi. Sa pag akayat ni Hesus sa langit, hindi niya tayo kailanman iniwan. Siya ang ang ating taga-pamagitan sa Ama at kaniyang dinala roon ang buong sangkatauhan. Siya ang ulo at tayo ang kaniyang katawan, lahat ay inilalapit niya sa iisang Ama nating lahat. Ipinangako ni Hesus na mananatili siyang kapiling natin hanggang sa wakas, at ang Kapistahang ito ay pagpapaalala hindi ng kaniyang paglisan kun’di ng kaniyang pananatili sa atin.  Gaya ng mga alagad ni Hesus, itinuro sa kanila na maiwan sa Herusalem para sa pagdating ng Espiritu Santo at ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng nilalang. Tayo’y pinaalalahan na mangaral ng katotohanan, mabuti at maganda ang dulot ng Ebanghelyo. Rev Edong, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings