PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 29, 2023 – Lunes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 29, 2023

Lunes sa Ika-walong Linggo sa Karaniwang Panahon




Ebanghelyo: Jn 19:25-27

Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila. umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi kaya maniwala kayo.

 

Pagninilay:

Naranasan nyo na ba ang matamis na pagkalinga ng isang ina? Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ng ating Mahal na Birhen, bilang Ina ng Simbahan.  Noong 2018, itinalaga ni Pope Francis ang kapistahang ito, upang mapayabong sa ating mananampalataya, ang pagkilala sa Mahal na Birheng Maria, bilang Ina ng ating Simbahan at sambayanan.  Itinakda ang pagdiriwang na ito, sa araw ng Lunes, matapos ang Pentekostes, kung saan, bumaba ang Banal na Espiritu sa mga alagad ni Hesus, at kasama nila ang Mahal na Birheng Maria. Dito nagsimula ang ating Simbahan; mula sa isang maliit na komunidad ng mananampalataya, habang sila ay nananalangin sa Upper Room. At dito, ginagampanan ni Maria ang kanyang role o papel bilang Ina, nang siya’y ibinilin ni Hesus, sa minamahal na alagad; at ang alagad naman, ibinilin sa kanyang ina.  Simula noon, si Maria ang naging matibay na sandigan ng mga taga-sunod ni Hesus, dahil siya ay napupuspos ng pagpapala ng Banal na Espiritu Santo! Mga kapanalig, kung paminsan, nahihirapan tayong maunawaan ang nangyayari sa ating buhay, alalahanin natin na nandidiyan si Maria, ang ating Ina at Ina ng Simbahan. Gayundin, alalahanin natin, na maraming mga taong nagdarasal sa atin,

araw at gabi, na laging nasa paanan ni Hesus. Minsan, sa aking pagsakay sa eroplano, nakaranas ako ng isang pampalipas ng oras o trivia question and answer quiz, habang nagbibiyahe. Tumayo ang isang stewardess sa unahan ng eroplano at nagtanong ng ganito: “Sino ba ang merong picture o photo ng kanyang biyenang babae?” May isang gentleman na biglang tumayo at ipinakita ang nasabing larawan, na aking ikinatuwa at ng mga kasamahan kong pasahero. Nagpalakpakan kami, at nakatanggap siya ng isang pabuya. Kapanalig, di ba, bihira ang ganun, na mahal ng manugang, ang nanay ng kanyang asawa?
Kaya, sa mga biyenang nanonood sa ngayon, malaki po ang inyong role bilang spiritual guide sa asawa ng inyong anak. 

Manalangin tayo: Mapagpalang Ama, patuloy po ninyo kaming gabayan sa landas na aming tinatahak. Inang Maria lagi po ninyong ipaalaala sa amin, ang iyong walang sawang pagkalinga at pagmamahal. Amen.

 

- Sr. Susan Penaflor, fsp l Daughters of St. Paul

 

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings