Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA
MAYO 3, 2022 - Martes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Kapistahan nina San Felipe at San Santiago, mga apostol
Ebanghelyo: Jn 14: 6-14
Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.”
Pagninilay:
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Madalas natin itong naririnig. Kung inilalarawan nga ang isang anak kaugnay ang kanyang ama, minsan madidinig pa “naku kamukhang kamukha ka talaga ng tatay mo” o kaya’y “para kayong pinagbiyak na bunga.” Mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan ang ating pinagmulan. Sapagkat doon tayo nagmula at lumaki, makikita sa atin ang wangis o pagkakatulad sa ating mga magulang o maging mga kapatid. Mababakas ito sa ating mga kilos at gawi, paniniwala at pagpili. Masasalamin din ang pagkakahawig sa ating pananalita, maging sa pag-uugali. Minsan naman, napapansin ang pagkakaiba lalo na ang mga kahinaan o pagkakamali. Maririnig natin, “Tularan mo sana ang magulang mo o kaya ang kapatid mo.” Sa kabilang banda naman, Nabibigyang parangal at pagkilala naman sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa at mga natanggap na gantimpala ang ating mga magulang at kapamilya, wika nga ng iba “Manang-mana ka talaga sa magulang mo, napaka husay!” Sa ebanghelyo, hiniling ni Felipe sa Panginoon na ipakita sa kanila ang Ama. Sinabi ni Hesus na ang nakakita sa kanya ay nakakita na rin sa Ama. Ang mukha ni Hesus na mukha ng Awa at kapatawaran ang larawan ng Ama. Ang kanyang mga dakilang gawa ang magpapatunay nito, ang kanyang mensahe ng paglilingkod at pagmamahal ang magpapatibay na siya ay mula sa Ama. Bilang mga Anak ng Diyos, nilikha tayong kawangis niya. Sana, mabanaag sa ating mukha ang Awa at Pag-ibig ng Diyos. Sa panahong ito kung saan humahanap ang tao ng mga tanda at pag kakakilanlan, makita nawa sa atin bilang mga Anak ng Diyos ang isang buháy na tanda. Tulad ng mga apostol, sina Felipe at Santiago, maaninag nawa ang mukha ni Hesus sa ating ganap na paglilingkod at pagmamahal sa kapwa. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings