Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA
MAYO 30, 2022 - Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay
Santa Juana ng Arco
Ebanghelyo: Jn 16: 29-33
Sinabi ng mga alagad kay Hesus: “Talaga, tahasan ka nang nangungusap ngayon, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. Alam na namin ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya kami naniniwala na sa Diyos ka galing.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? Narito’t parating ang oras at sumapit na upang mangalat kayo—ang bawat isa sa kanya-kanyang sarili-at ako naman ay iiwan n’yong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Nagdadalamhati kayo sa mundo subalit lakasan n’yo ang loob, nagtagumpay ako sa mundo.”
Pagninilay:
Kay Jesus lang tayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan. Kahapon sa pagdiriwang natin ng Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoon, binendisyunan ni Jesus ang mga disipulo. Naging payapa ang kanilang damdamin dahil sa empowerment na tinanggap nila sa Kanya. Integrated ang celebration natin na ito ng Pag-akyat sa Langint ng ating Panginoong Jesus sa pagdiriwang ng World Communications Day. Sa message ni Pope Francis, na “Listening with the ear of the heart “sinabi niya na sa pakikinig, hindi lang nakikinig, kundi gamitin ang pandinig ng ating puso. Alam natin na ang puso ang sanktuwaryo ng ating katauhan, di ba? Naroon sa ating puso si Jesus na Muling Nabuhay at naluklok sa Langit na Kapayapaan. Kung ganito ang saloobin natin sa pakikinig, ito ang magdadala sa atin sa tunay na kapayapaan. Hindi lang ang payapang nakakatulog sa gabi, o payapang nakikinig sa masayang alon ng dagat. Ito ang pangkasalukyang kapayapaan na may magandang ugnayan sa Diyos at malalim na pakikiisa sa Kanya. Ganundin ang ating sense of well-being na pinapahalagahan natin ang kapayapaan. Sinisikap nating unawain ang kakulangan natin at pinagpupunyagian na mapatawad din ang sarili matapos makatanggap ng grasya sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Ito rin ang pagpapahalaga natin sa pagpapatawad ng kapwa, laging umuunawa at nagbibigay sigla at pag-asa sa lahat. Hindi nga ba nang Muling Nabuhay si Jesus, Kapayapaan ang lagi Niyang pagbati? Assurance ito na huwag nang mangamba dahil napagtagumpayan na Niya ang kaguluhan, ang kadiliman, ang kamatayan. Ang Kapayapaan na dulot ni Jesus ay ang restoration ng pagiging isa at maayos na pakikipag-ugnayan ng buong kalikasan at sangkatauhan. Ang tanong, kung bakit hanggang ngayon, hindi pa ganap ang kapayapaan, tulad sa pang-aabuso sa mga gubat, sa mga bundok, sa ating bansa, sa kapangyarihang gumawa ng mga kasangkapang pandigmaan. Dahil ang kapayapaan ay parehong handog at tungkulin. Nangangailangan ito partisipasyon ng ating kamay, isip, puso. Mga pilgrims tayo. Patuloy pa tayong naglalakbay patungo sa ganap na kapayapaan. Naglalakbay tayo na nakatanaw sa Kaharian ng ating Ama at masayang umaasam sa walang katapusan Niyang yakap na suot ang Kanyang balabal ng Banal na Kapayapaan. Sr. Gemmaria
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings