PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 30, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 30, 2023

Martes sa Ika-walong Linggo sa Karaniwang Panahon




Ebanghelyo: Marcos 10:28-31

Nagsalitasi Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n’ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”

 

Pagninilay:

Sabi daw, ang mga terminal ng bus o jeep o kaya ang mga paliparan o “airports” ay mga lugar ng “paalam” at “pagwelcome”.  “Paalam” sa mga taong aalis, at “welcome” sa mga taong darating.  Ang pagsunod kay Hesus ay parang pagpunta sa isang terminal o kaya paliparan: may mga bagay na kailangan nating iwan, pero may mga bagay din na kailangan nating “iwelcome”.  May isang kwento tungkol sa isang bata na lumapit sa isang matandang nagdadasal. Tinanong ng bata ang matanda, “Ano po ba ang iyong nakuha sa pagdadasal?”  Sagot ng matanda, “Wala”. “Pero,” pagpapatuloy ng matanda, “pwede kong sabihin sa’yo

kung ano ang nawala sa akin, sa aking pagdadasal: ang galit at poot sa aking kapwa, pagmamataas, pagiging makasarili, takot, at kasalanan. Sa pagdarasal,
minsan hindi naman talaga mahalaga kung ano ang iyong nakukuha, kundi kung ano ang nawawala sa iyo.”  “Sometimes, the answer to our prayers is not gaining, but losing; which ultimately is the gain."  Mga kapatid, sa ating pagsunod kay Kristo, may mga bagay na dapat nating iwan: ang ating mga kasalanan,
takot, pagdududa, galit, at iba pang makakahadlang sa atin sa pagsunod sa Kanya.  Pero, tandaan natin, hindi hahayaan ng Diyos na bumalik tayo sa “wala”. Kung sinuman ang sumunod sa Kanya, ay tiyak na magkakaroon ng “lahat”, dahil na sa Diyos na ang lahat, ang lahat na inaasam-asam ng puso ng tao.

Sabi nga ni Santa Teresa de Avila, “Let nothing disturb you, let nothing frighten you, All things pass away: God never changes. Patience obtains all things. He who has God Finds he lacks nothing; God alone is enough.”  Pag may buhay, may pag-asa, pag may pag-asa, may buhay.

    

Fr. Brian Victor de Castro – Diocese of Sorsogon


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings