Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA
MAYO 31, 2022 - Martes sa Kapistahan ng Pagdalaw ng Birheng Maria
Ebanghelyo: Lk 1: 39-56
Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
Pagninilay:
Nagmamadali. Ganyan inilarawan ang pagpunta ni Maria sa bayan ng kanyang pinsan na si Isabel o Elisabet. Bakit naman siya magmamadali? Una, marahil kasi nagdadalang-tao si Elisabet isang di kapani-paniwalang kaganapan lalo na sa kanyang katandaan. Nais itong maunawaan ni Maria. Ikalawa, nag-iisa si Elisabet at hindi madali ito para sa isang nagdadalang-taong babae noong panahong iyon. Nais tumulong ni Maria. Ikatlo, nais ni Maria na maibahagi ang natatangi niyang karanasan at ang kwento ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Nais niyang maunawaan ito at umaasang matutulungan siyang unawain ito ni Elisabet. Hindi inaasahan ni Maria ang kakaibang pagbati ni Elisabet na nagsabing, “Sino ako para dalawin ng ina ng aking Panginoon?” Sa pagmamadali ni Maria na nagnanais makasama at makausap si Elisabet upang ibahagi ang kanyang karanasan, makahulugan at angkop na angkop ang tanong na isinalubong ni Elisabet. Isang kasagutan ang tanong na ito sa isipan ni Maria. Isang pagpapatotoo na ang kanyang nararanasan at ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay tunay ngang Anak ng Diyos. Sa labis na kagalakan ni Maria, namutawi sa kanyang mga labi ang mga katagang, Magnificat! Ang Puso ko’y Nagpupuri! Ano naman ang paanyaya nito sa atin ngayon? Mga kapatid, sa ating pagdalaw sa mga kaibigan, kakilala, kapamilya, ano ang balitang dala natin? Nagmamadali ba tayong ibahagi sa lahat ang Mabuting balita ng Panginoon?
Mga kapatid, tularan natin si Maria, ating ina. Hindi siya nanatili sa takot at hindi lubos na pagkaunawa. Nagsumikap siyang unawain at aralin paano niya makikilala ang kanyang sarili. Sa kanyang paglalakbay, natagpuan niya ang katibayan ng kanyang hinahanap. Mula sa pagmamadali na makapiling ang isang mahal sa buhay, tungo sa pagkaunawa na ang nagaganap sa kanya ang magsisimula ng panibagong buhay para sa lahat – talagang mapasisigaw ka na lamang sa galak at pasasalamat sa Diyos. Bro. Buen
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings