PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 4, 2023 - Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 4, 2023 - Huwebes

Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


Ebanghelyo: Jn 13:16-20

Sinabi ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, walang aliping mas dakila sa panginoon niya, ni walang sinugong mas dakila sa nagpadala sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ito, mapalad kayo kung isasagawa ninyo ang mga ito. Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang mga hinirang ko. Ngunit kailangang maganap ang kasulatan: ‘Ang nakikisalo sa aking pagkain ay nagpakana laban sa akin.’ Sinasabi ko na ito ngayon sa inyo bago pa mangyari upang manalig kayo na Ako Nga kapag ito ay nangyari. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: ang tumatanggap sa ipinadadala ko ay sa akin tumatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa Amang nagpadala sa akin.”

 

Pagninilay:

Mga kapatid, tapos na ang Kwaresma at Mahal na Araw, pero ibinabalik sa ating alaala ang mga huling yugto sa buhay ni Hesus, bago siya magpakasakit at ipako sa Krus. Nasa huling hapunan sila, nang ipahayag ni Hesus na isa sa kanyang mga minamahal at pinagkakatiwalaan, ang siyang magkakanulo sa kanya. Ito’y walang iba kundi si Judas Iscariote, na puno nang pagmamalaki sa sarili, at walang ibang layunin, kundi ang paglingkuran ang sarili kaysa sa Diyos. Kung kaya tinuruan niya ang kanyang mga alagad, patungkol sa paglilingkod nang buong katapatan at kapakumbabaan. Tinuro ni Hesus ang pagpaparaya sa sarili, upang buong-buo at totoo, ang pagbibigay nang sarili sa paglilingkod. Laging pakakatandaan na sa buhay-paglilingkod sa kapwa, una sa lahat, kailangang manaig ang pag-ibig. Ang pagmamahal sa kapwa ang siyang dahilan, kung bakit tayo’y handang mag-alay nang sarili, higit ang ating buhay sa ngalan nang paglilingkod; at ang pinakahuling pagtuunan ng pansin ay ang ating sarili. Mga kapatid, ang pag-aalay nang sarili para sa kabutihan nang kapwa, ang siyang pinakamataas na uri nang paglilingkod. Ang pag-aalay nang sarili sa paglilingkod sa kapwa ay maituturing din na paglilingkod sa Diyos. Matuto lang tayong magpakumbaba, dahil ang taong puno nang kapakumbabaan sa sarili, laging may puwang para iangat nang Diyos, at mapuspos nang Kanyang biyaya at pagpapala. Ang pag-aalay ni Hesus nang sarili sa Krus, ang siyang pinaka kalugod-lugod na alay niya sa kanyang Ama, at sa buong sangkatauhan, upang makamit natin ang kaligtasan. Kapatid, handa mo bang ialay ang sarili sa paglilingkod sa Diyos at kapwa? Sa kapwa ba talaga, o higit sa sarili ang ating pinaglilingkuran? Sa nakararami ba talaga o para sa iilan lamang, na kayang suklian ang ating kabutihan?

 

 

 

Fr. Joe-Nelo Penino – St.
Francis Xavier Parish, Archdiocese of Cacer

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings