Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA
MAYO 5, 2022 - Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 6:44-51
Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa mga Propeta, ‘Tuturuan nga silang lahat ng Diyos’, kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos, siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang hanggan ang naniniwala sa akin. Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng mana sa ilang ang mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”
Pagninilay:
Sa huling hapunan, inialay ni Hesus ang kanyang sarili bilang tinapay at alak sa kanyang mga apostol. Ang tinapay at alak, sa tuwing gagawin natin ang pag-aalala sa kanya, ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Hesus. Inihabilin niya ang gawaing ito upang sa tuwing inaalala natin siya sa paghahati-hati at pagbabahaginan ng tinapay at alak, naroroon at kasama natin siya! Sa tuwing kakain at iinom tayo ng katawan at dugo ni Kristo, ipinapahayag natin kung sino si Hesus (tgn.1 Cor 11:26). Ngunit bakit nga ba tinapay at alak? Hindi ba pwede ang cookies at coke? Biskwit at fruit juice? Bakit sa anyo ng pagsasalo-salo niya inihabilin ang kanyang sarili? Kung titingnan ang kultura ng mga Hudyo, pangkaraniwang pagkain at inumin ang tinapay at alak. Gayundin, para sa kanila, ang pagsasalu-salo ay tanda ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Sa ganitong ideya ng pagkain, inumin, at pagsasalu-salo inaalala natin kung sino si Hesus. Si Hesus na karaniwan. Si Hesus na hindi nagpakilala bilang mayaman o makapangyarihan. Si Hesus na mukha ng mga aba at karaniwang tao-ang tinapay at alak na papawi ng ating uhaw at gutom sa maghapon. Si Hesus na kasalo sa hapag ng mga taong nawawalan ng direksyon sa buhay at mga makasalanan. Si Hesus na buhay, at patuloy nating kasalo at pagsasaluhan hanggang tayo’y makarating sa Ama.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings