Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 5, 2023 - Biyernes
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:1-6Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Papunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag
Pagninilay:
May mga taong may trust-issue. Nahihirapang magtiwala. Mahirap nga naman magtiwala kung nakaranas ka ng matinding sakit gawa ng pagtataksil, pag-iwan ng taong pinagkatiwalaan, naloko ng taong sobrang minahal. Ang isa po sa seryosong epekto nito ay ang pagkadala o trauma na magtiwala. Kasi nabugbog ang isang tao sa sakit dahil paulit-ulit na niloloko. Hindi niya namamalayan na nagkakaroon na ng harang o blocks para siya ay maprotektahan sa sakit na idudulot ng panibagong relasyon. At kapag pinili nating manatili sa ganyang kalagayan, dahil ayaw na nating masaktan – tumitigas at nagsasara ang puso ng tao na sumubok at magkaroon ulit ng malalim na relasyon. Relasyon na kapag nagkakalamat dahil sa nasirang tiwala – minsan hindi na ito kayang buuin ng pagmamahal lang. Hindi puwedeng mahal kita, pero wala akong tiwala sa’yo. Kapanalig, mangyari man ito sa atin – may isang walang tigil – ayaw mag-give up sa atin --- si Hesus na nagsasabi sa Mabuting Balita natin ngayon: “Huwag mag-alala. Manalig ka sa Ama at sa akin.” Alam naman po natin na si Hesus at ang Ama ay iisa. Si Hesus mismo ang pagmamahal ng Ama sa atin. Ipinakita ng Ama kay Hesus kung ano ang kayang Niyang gawin para sa’yo at sa akin. Tumigas man at magsara ang puso natin – nandiyan pa rin ang Diyos. Nagmamahal, tapat, naghihintay na magdesisyon tayong buksang ulit ang puso natin. At ito, kapanalig, ang gusto ng Diyos sa atin - kaya siya mismo ang nagtubos sa atin. Ayaw niyang maiwan tayo sa kalungkutan, kasamaan na makapaghihiwalay sa Kanya sa atin. Gusto Niya tayong makasama sa “matitigilan na inihanda Niya para sa atin.” Ang pagbabago, kapanalig, kung iaasa sa sarili ay hindi talaga kakayanin--- pero kay Hesus- wala tayong dapat ikabahala, manalig lamang tayo sa Ama at sa Kanya.
Manalangin tayo: Ama, hilumin po Ninyo ang aking puso – para muling mabuksan ito --- makapagpatawad ng lubos, magmahal at magtiwala ng walang
- Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings