Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Mayo 6, 2023 – Sabado
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:7-14
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.”
Pagninilay:
Noong bata ako, nangarap akong magkaroon ng superpower gaya ni Mary Poppins na sa isang iglap ay nakakalinis ng buong bahay, o ni Superman na lumilipad at bumubulusok para tulungan ang mga nangangailangan. Pero higit sa lakas at galing nila ang kapangyarihan ng Panginoong Hesus. Sa Mabuting Balita natin ngayon, ipinagbilin niya: “Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.” Hindi ba nagpagaling si Hesus ng maysakit, iminulat niya ang mga mata ng bulag, binuksan ang bibig at tenga ng pipi at bingi, at binuhay niya ang patay. Magagawa daw natin lahat ito, at higit pa rito! Kung kailangan mo ng milagro, hilingin natin ito sa ngalan ni Hesus, at gagawin niya
Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo kami ng lakas at kababaang-loob upang lumapit sa iyo at tanggapin ka sa Banal na Eukaristiya. Amen!
- Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings