PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 6, 2024 – Lunes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 6, 2024 – Lunes

Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  



Ebanghelyo: Juan 15,26-16:4

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapag dumating ang Tagapagtanggol na aking ipadadala sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmula sa Ama, iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin.  At Magpatotoo rin kayo sapagkat kasama ko rin kayo mula sa simula. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang huwag kayog matisod o mahulog. Palalayasin nila kayo sa kanilang Komunidad. At Parating na ang mga oras na wari nag aalay ng handog sa Diyos ang sinumang papatay sa inyo. Gagawin nila ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama ni Ako. Kaya naman Sinasabi ko sa Inyo ang lahat ng Ito upang Pag dating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko

ito sa inyo.

 

Pagninilay:

Si Hesus mismo ang nagsabi na totoo ang Paraklito, ang Espiritu ng Diyos na nagmula sa Ama. Hindi agad natanggap ng mga alagad ang Espiritu sapagkat kasama pa nila ang ating Panginoong Hesus. Ang Espiritu ang saksi ni Hesus, at ang mga alagad ni Hesus naman ang magiging saksi Niya kapag si Hesus ay pumaroon na sa langit kapiling ng Ama. Mahalaga sa mga alagad ni Hesus ang presensya at gabay ng Espiritu sa kanilang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Ang bunga ng panahon ng kanilang pagkilala kay Hesus ay nakasalalay sa kanilang katatagan sa pagpapatunay na ang

Panginoong Hesus ay tunay sa Anak ng Diyos Ama. Magiging matatag din tayo sa ating pagsunod at pagsasabuhay ng aral ni Hesus sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu. Sa sakramento ng kumpil tinanggap natin ang bunga na dulot ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kasiyahan, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang-loob,
kabaitan, pagtitiwala, kaamuan at pagtitimpi. Mga kapanalig, harinawang manatili tayong matatag at walang takot na sumaksi sa ating Panginoong Hesus.
Makita nawa sa ating buhay ang larawan ng pag-ibig ng Diyos sa buong sangkatauhan at sangnilikha. Amen.

-      

Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings