Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA
MAYO 8, 2022 - Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 10: 27-30
Sinabi ni Hesus “Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”
Pagninilay – Sr Gemma, FSP
Si Jesus ang ating Mabuting Pastol at ang ating Tagapagtanggol. Binubusog Niya tayo ng mga pagkaing makalangit sa bawat pakikinig natin sa Kanyang Banal na Salita at pagtanggap natin ng Eukaristiya. Pinoprotektahan tayo mula sa mga masasama at sa kaninumang maaring maglayo sa atin mula sa Kanya. Pinapaalalahanan tayo ngayon sa Ebanghelyo na mahalagang nakikinig tayo sa boses Niya. Nakikilala ba natin ang boses ni Jesus? Nakikilala at sinusunod ng Kanyang tupa ang boses nito. “The sheep that belongs to me listens to my voice...” Hindi madali ang makinig. Kailangang maglaan ng panahon – quality time. Kasi, maraming ingay ang ating naririnig ngayon. Nadidistract tayo sa maraming bagay sa ating paligid. Maaring masyado rin tayong tutok sa maari nating sabihin, kaya hindi madali ang pagbubukas ng sarili para makinig. Mga kapanalig, maraming ingay tayong naririnig sa ating panahon ngayon. Maraming boses ang maaaring kumuha ng ating atensyon. Sa Linggong ito ng Good Shepherd Sunday at World Day of Prayer for Vocations, hingin natin na matuto tayong makinig sa boses ni Jesus. Siya lamang ang makapaghahatid sa atin ng buhay dahil Siya mismo ay ang KATOTOHANAN.. Siya lamang ang makakahatid sa atin sa buhay na walang hanggan. Kailangang basahin o pakinggan natin ang Salita ng Diyos. Maglaan tayo ng sapat na panahon para pagnilayan ito. Paulit –ulit na basahin hanggang mababad tayo rito. Paraan ito para mahubog ang ating puso at isip sa Mabuting Pastol. Paka-isipin natin na nawawala ang kagandahan ng buhay., nararanasan natin ang pagkasira, at ang kawalan ng buhay kung hindi ang tamang boses ang ating sinusundan. Alam natin na hindi madali ang makinig dahil sa dami ng boses na gustong mapakinggan at paniwalaan. Ngunit, mahalagang maging mapanuri tayo. Ipagdasal natin ang paggabay ng Esiritong Banal na gagabay sa atin bilang mga anak ng Diyos. Nang sa gayon, magampanan natin ang ating misyon na iniatas sa atin ng Panginoon. Maging boses nawa tayo sa ating mga kapatid na naliligaw at nawawala. Mga kapanalig, election day na po bukas, magmalasakit tayo lalo na sa kapakanan ng kapwa at bayan. Manalangin tayo sa Diyos at magtulungan para sa isang mapagkakatiwalaan, mapayapa at tagumpay na halalan para sa ikabubuti nating lahat.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings