PAULINES

Mabuting Balita l Mayo 8, 2023 - Lunes


Listen Later

Mabuting Balita l Mayo 8, 2023 - Lunes

Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 14:21-26

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga Alagad “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nag mamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita sa kanya ang aking sarili.” Sinabi sa kanya ni Judas (hindi ang Iscariote), “Panginoon, Paano mangyayaring na sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hind isa mundo? Kung may nag mamahal sa akin, isakatuparan niya ang aking salita, at

mamahalin siya ng aking Ama, at pupuntahan namin siya, at kanya naming gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili.  Ang hindi naman nag
mamahal sa akin ay hindi nagsakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin, kundi sa Amang nagpadala sa akin.

Sinabi ko na sa inyo ang mga ito, habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng tagapag tanggol ang lahat. Siya ang Espirito Santong ipadadala ng Ama sa ngalan ko. At ituturo nya sa inyo ang lahat, at ipapaalala niya sa inyo ang lahat na sinasabi ko sa inyo.

 

Pagninilay:

“Ang nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad ng mga ito ay umiibig sa akin; at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya ay iibigin ko at ako'y

magpapakilala sa kanya.” Sa buhay pamilya, madarama ang pagmamahalan kung may paggalang at pagsunod sa bawat isa. Magagalak ang mga magulang kung masunurin ang mga anak sa kanila. Tanda ito ng paggalang at pagmamahal sa mga magulang. Mga kapanalig, maliwanag sa ating pagbasa ngayon na ang nagtataglay at tumutupad ng utos ng Panginoon Hesus at umiibig sa kanya ay tiyak na iibigin din ng Ama. Sa pagtupad natin ng utos ng Panginoong Hesus, nagiging dahilan ito ng ating pagkakilala sa kanya. Ano ang ibig sabihin ng pagkakilala sa kanya? Maaari natin itong makita sa tuwing nalalagay tayo sa isang sitwasyon na nangangailangan ng ating pang-unawa at pagmamahal. Halimbawa, may taong nakasakit ng ating damdamin, kadalasan ang ating reaksyon ay magalit at gumanti! Pero dahil sa pag-ibig sa Diyos Ama at Panginoong Hesus, sisikapin nating maisabuhay kung ano ang ginawa ni Hesus noong Siya’y pinahirapan at ipinako sa Krus. Siya’y nagpatawad at nagmahal ng lubos.  Mga kapanalig, kung may pag-ibig, makakayanan ang lahat, at mapagtatagumpayan ang kasamaan. Kung may pag-ibig, ang puso ay magkakaroon ng kapayapaan.

 

Manalangintayo:

O Diyos Ama, ibinigay mong halimbawa ang pagsunod ng aming Panginoong Hesus. Ipagkaloob mo po, na sikapin naming matularan ang halimbawang ipinakita Niya sa amin. Sa mga sandali ng aming kahinaan, mabigyan nawa kami ng lakas ng Banal na Espiritu na magtuturo ng lahat ng sinabi sa amin ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesus. Amen.

 

-       

Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings