PAULINES

MABUTING BALITA l MAYO 9, 2022 - LUNES


Listen Later

MABUTING BALITA

MAYO 9, 2022 - Lunes sa Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay


Ebanghelyo: Jn 10: 1-10

Sinabi ni Hesus “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo. Ang hindi dumadaan sa pintuan sa pag pasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumulukso sa ibang dako ay magnanakaw at magdarambong. Ang pastol ng mga tupa naman ay pumapasok sa pintuan. Binubuksan siya ng bantaypinto; at nakikinig ang mga tupa sa kaniyang tinig: at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kanilang ngalan, at inilalabas niya sila.  Kapag nailabas na niya ang tanang kanya, sa harap niya siyang naglalakad, at kanya sumusunod ang mga tupa: sapagka't kikilala nila ang tinig niya. Hinding hindi sila susunod sa dayuhan, kundi tatakasan nila siya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng dayuhan”.  Ito ang talinghagang sinabi ni Hesus. Ngunit hindi nila maintindihan kong ano ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi ulit ni Hesus “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo. Ako ang pintuan ng mga tupa.  Magnanakaw lamang at mangdarambong ang lahat ng nauna sa akin, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa.  Ako ang pintuan, kong may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya at papasok, at lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Ang magnanakaw ay hindi dumarating, kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay, at lubos na magkaroon nito”.

Pagninilay:

Mga kapanalig, napakaganda ng mensaheng inihahatid sa atin ng Mabuting Balita ngayong araw na ito. Si Hesus ang Mabuting Pastol. Siya ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. At ang tinig lamang ni Hesus ang sinusunod ng mga ito. Ang mga tupa ang uri ng mga hayop na kailangang merong pastol na gagabay at mag-aalaga sa kanila. Kilala ng mga tupa ang tinig ng pastol. Naka imprint na sa kanilang pandinig ang boses ng kanilang shepherd, kaya kung may tumatawag sa kanila na iba ang boses hindi sila kikibo at kikilos, dedma, ika nga. Maiaangkop natin ito sa kasalukuyang sitwasyon ng ating buhay. Tanungin natin ang ating sarili. Katulad ba tayo ng mga tupa na ang tinig lamang ng Mabuting Pastol ang pinakikinggan? Hindi natin maikakaila na minsan ang atensyon natin ay napupunta sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Para itong mga boses na hindi dapat pakinggan at pag-aksayahan ng panahon. Sa halip pakinggan natin ang boses na nagmumula sa ating pagmumuni-muni sa salita ng Diyos. Ito ang boses na gagabay sa atin upang gumawa ng mga makabuluhang bagay na makakabuti para sa ating sarili at kapwa. Mga kapanalig, sa araw na ito ng eleksiyon, pakinggan natin ang tinig ng Mabuting Pastol na nag-aanyaya sa atin na makilahok at ipakita ang pagmamalasakit sa ikauunlad ng bansa at ikabubuti ng ating kapwa sa pamamagitan ng paghalal ng karapat-dapat na lingkod-bayan.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings