Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 1, 2022 – Martes | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng Mga Banal
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Nang makita ni Hesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang may mga diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila. Mapapalad ang may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.
Pagninilay:
Tinatawag natin ang pagbasa ngayon na “Sermon on the Mount”, o “Beatitudes.” Ang mga aral na ito ay gabay natin sa pananampalataya na masasalamin sa buhay ng mga banal. Ang pagdiriwang natin ng Todos Los Santos ay paalala sa bawat isa sa atin sa mahalagang mensahe ng pagbabalik–loob. Nakita natin ito sa buhay ng mga santo tulad nina San Pablo, apostol, San Agustin, San Francisco, St. Therese, St. Agnes at lahat ng mga banal na may kanya-kanyang aral na maibabahagi sa atin. Patunay na: “Holiness is within your reach!” Sa mga santo na nabuhay sa ating modernong panahon, marami rin silang kahanga-hangang halimbawang naipamalas sa atin. Isa na rito si Blessed Carlo Acutis. Ginamit niya ang kanyang kakayahan bilang isang computer programmer sa pagpapalaganap ng debosyon sa Eukaristiya. Nakilala siya bilang isang masayahin na teen-ager kahit sa gitna ng kanyang sakit na leukemia. Inialay niya ang lahat ng sakit para sa intensiyon ng Santo Papa at ng Inang Simbahan. Meron siyang malalim na debosyon sa Misa. Maglaan tayo ng katahimikan sa araw na ito upang pakinggan ang pagkilos ng Espiritu na gumagabay sa atin sa buhay ng kabanalan—sa buhay ng pagbubukas –loob sa Diyos. Pinagpala ang bawat isa sa atin, ang dukha sa kanyang karukhaan, ang nagugutom sa kanyang pagkagutom, ang pinag-uusig sa kanyang kalungkutan. Dahil mismong sa kanilang pagkaaba, may pagkakataon silang magbukas-loob sa Diyos. Nagiging blessed ang sinuman na sa kabila ng kahirapan, kalungkutan at pag-uusig pinili pa rin nilang gumawa ng mabuti. Sa kabila ng kaniyang kawalan si Jesus ang tangi nilang kayamanan at naging sandigan. Nabasa ko minsan sa isang post: “Intelligence can make you smart but only God can make you good.” Ipanalangin natin ang tunay na pagbubukas –loob ng bawat isa sa atin sa grasya at biyaya ng Diyos sapagkat ito lamang ang tunay na makapagdadalisay ng ating mga puso. – Sr. Amelyne Paglinawan, fsp | Daughters of St. Paul
Mahal na Birheng Maria, gabayan mo po kami tungo sa iyong Anak na si Jesus! Lahat ng mga Santo at mga Banal, ipanalangin ninyo kami. AMEN.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings