Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2022 – Huwebes
Ika – 32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 17:20-25
Tinanong si Hesus ng mga Pariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos at sumagot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng Kaharian ng Diyos; di masasabing ‘Narito o naroroon,’ nasa inyo na nga ang Kaharian ng Diyos.” Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa mga pagpapakita ng Anak ng Tao at hindi naman ninyo makikita. At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningning mula sa isang dako ng Langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. Subalit kailangan muna niyang magtiis nang marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuyan.”
Pagninilay:
Tayong mga Pilipino ay mahilig sa himala. Mahilig tayo sa mga kagila-gilalas na mga pangyayari, mga kagulat-gulat na mga balita at mga kamangha-manghang mga bayani. Naghihintay tayo palagi ng himala. Tumitingala tayo sa kalangitan para sa pagdating nito. Sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo na sa “pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao’y darating na parang kidlat.” Imposibleng hindi ito mapansin ng kahit na sino. Katulad ng unang Pasko, siguradong ang muling pagdating ni Kristo ay magiging isang kamangha-mangahang himala. Subalit pinapaalalahanan din tayo ng Ebanghelyo tungkol sa isa pang pagdating ni Kristo na madalas ay hindi natin napapansin: ang kanyang araw-araw na pagdating sa buhay natin. Sabi ni Hesus, “nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.” Kung saan naghahari ang pagmamahal, kung saan may liwanag at pag-asa sa gitna ng dilim, kung saan patuloy na may gumagawa ng kabutihan, naroroon ang Diyos. At dahil nga sanay tayong hanapin ang mga tanda ng presensya ng Diyos sa mga kagila-gilalas, kagulat-gulat at kamangha-manghang mga himala, nahihirapan tayong makita siya sa mga napakaordinaryong pangyayari. Subalit siya ay Emmanuel. "Ang Diyos ay kasama natin." Sa pag-aaruga ng isang magulang, sa pagdamay ng isang kaibigan, sa pagtindig sa katotohanan, sa pagiging tapat, sa kababaang-loob, naroroon ang Diyos. Araw-araw, may mga taong ginagamit ang Diyos para gawin at ipagpatuloy ang kanyang misyon ng paghatid ng kaligtasan sa mundo. Kaya’t alisin na ang mata sa kalangitan at ibaling ang tingin sa sarili at sa kapwa. Nakikita mo ba ang Diyos sa buhay mo? Katuwang ka rin ba sa pagbuo ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa?
- Keneth Gadian, Seminarian – Society of St Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings