PAULINES

Mabuting Balita l Nobyembre 13, 2022 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Nobyembre 13, 2022 – Linggo

Ika – 33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Ebanghelyo: Lucas 21:5-19

May ilang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinasabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Hesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?” Sumagot si Hesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan na magsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita n’yo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at naglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa Langit.

Pagninilay:

Kapag pinag-uusapan ang “end of the world” marami sa atin ang natatakot. Ang iba iniiwasan ang ganitong paksa. Bakit ba tayo magbabalisa kung ang araw-araw na pagtawag sa atin bilang mga Kristiyano ay ating sinasabuhay? Ang katapusan ng mundo ay hindi katapusan ng pag-ibig ni Kristo. Siya ay mananatiling tapat at patuloy na magmahal. Maari tayong iwanan ng ating mahal sa buhay at kaibigan ngunit si Kristo, hindi tayo pababayaan. Mananatili siyang tapat sa kanyang pangako – ang iligtas tayo dahil sa kanyang lubos na pagmamahal. - Fr. Samy John Torrefranca, SSP | Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings