Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 14, 2022 – Lunes
Ika –33 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Nang malapit na si Hesus sa Jerico, may isang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, itinanong niya kung bakit. At may nagsabi sa kanya: “Sina Hesus na taga-Nazaret ang dumaraan.” Kaya sumigaw siya: “Hesus, Anak ni David, maawa ka sa akin.” Pinagsabihan siya at pinatahimik ng mga nauuna pero lalo naman niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin.” Kaya tumigil si Hesus at ipinadala ang bulag sa kanya at nang malapit na ay itinanong: “Anong gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi nito: “Panginoon, makakita sana ako.” At sinabi ni Hesus: “Manumbalik ang paningin mo, iniligtas ka ng iyong pananalig.” Agad siyang nakakita at niluluwalhati ang Diyos na sumunod kay Hesus. At nagpuri sa Diyos ang lahat ng nakakita rito.
Pagninilay:
Humigit-kumulang 37 miracles ang ginawa ng ating Panginoong Hesus sa kanyang 33 taong nilagi dito sa mundo. Mababasa natin sa Chapter 4 ng Mabuting Balita ayon kay San Lucas: “At nang lumulubog na ang araw, ang lahat na may mga sakit ng sari-saring karamdaman ay dinala sa kanya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling.” Ang paghihimala o pagpapagaling ay sumasalamin sa higit na kapangyarihan ni Hesus laban sa anumang nagpapahirap o umaalipin sa ating pagkatao—karamdaman, kasamaan, karahasan, at kahit na kamatayan. Sa Mabuting Balita, Nakita natin ang masidhing pananampalatayang ipinahayag ng isang bulag na mula sa bayan ng Jerico. Hindi siya natinag at pinanghinaan ng loob sa pagbuyo ng mga taong nasa paligid niya. Nang maramadamang dumarating na si Hesus mas lalo pa siyang nagsusumigaw: Hesus anak ni David, kaawaan mo ako! Isang aral lamang po ang nais kong bigyang diin: Kung totoong gusto natin gumaling sa ating karamdaman (pisikal man o spiritual) walang ibang paraan kundi ang dumulog at lumapit tayo kay Hesus! Totoong maraming balakid, but may we not lose our sight in Jesus. Nais kong tapusin ang aking pagbabahagi sa isang Antiphon na dinarasal namin tuwing evening prayer: Our eyes are fixed intently on the Lord waiting for his merciful help. Harinawa, wag tayong mawawaglit, kahit bulag na tayo dahil sa ating kayabanga’t kasalanan, gamitin natin ang ating bibig at mga paa upang lumapit at dumulog sa mahabaging Diyos na nagpapatawad at nagpapagaling ng lubos. Amen.
– Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings