Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 15, 2022 – Martes
Ika – 33 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 19:1-10
Pumasok si Hesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagngangalang Zakeo. Pinuno siya ng mga kolektor ng buwis at napakayaman. Sinikap niyang makita kung sino si Hesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil sa dami ng mga tao. Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punong-malaigos para makita si Hesus pagdaan doon. Pagdating ni Hesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.” Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Inireklamo naman sa isa’t isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalanan siya nakituloy.” Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” At sinasabi sa kanya ni Hesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawawala.”
Pagninilay:
Ang pagtatagpo nila Hesus at Zakeo ay malayo sa kumbensyonal na sitwasyon. Maaaring umabot sa kaalaman ni Zakeo ang mga pangangaral ni Hesus, mga gawang kababalaghan, mga pagpapagaling sa maysakit, maging ang pagtanggap sa mga tulad niyang maniningil ng buwis na kung hindi kinamumuhia’y kinatatakutan ng mga tao. Ito ang nagbunsod sa kanya upang hangarin na makita si Hesus kahit man lamang sa malayuan, kahit sa maikling saglit lang, kahit alam niyang imposible ito sa dalawang kadahilanan: Una, na maari siyang ipagtabuyan ng mga taong sumusunod kay Hesus dahil kilala nga siyang hepe ng mga maniningil ng buwis, ka-lebel ng mga magnanakaw at traydor sa bayan. Pangalawa, dahil siya ay bansot, malamang na matabunan sya, matapak-tapakan o maitulak paatras. Ngunit hindi dito nagpatinag si Zakeo; sa katunayan, mas hinahangaan natin ang kanyang pagkatao na nagpamalas ng tatlong disposisyon: (1) Conviction. Buo ang kanyang loob at tiyak sa kanyang sarili na nais niyang makita si Hesus, sa kabila ng maaring sabihin o gawin sa kanya ng mga tao. (2) Action. Hindi ang kanyang kakapusan ang magpaparalisa sa kanya, kaya’t agad siyang kumilos upang isakatuparan ang kanyang hangarin, umakyat sa puno na naging daan ng kanilang ‘di karaniwang pagtatagpo. (3) Conversion.Dahil alam niyang natagpuan niya ang totoong kayamanan ng kanyang buhay, nagawa niyang talikuran ang mali at gawin ang tama. Si Zakeo ay larawan ng pagsisisi at pagpapanibago ng buhay alang-alang sa biyaya at pag-ibig ng Diyos na kanyang natagpuan.
- Br. Ariel Vidanes, AA | Augustinians of the Assumption
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings