Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 16, 2022 – Miyerkules
Ika – 33 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 19:11-28
Malapit na sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya'y agad na ipakikita ang Kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad sa kanila ni Hesus. Sinabi niya: “May isang maharlikang tao na pumunta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tig-iisang baryang ginto at sinabi sa kanila: 'Ipagnegosyo ninyo ito hanggang sa aking pagbalik.’ Namumuhi sa kanya ang kanyang mga kababayan kaya nagsugo sila ng ilang kinatawan para sabihin: 'Ayaw naming maghari sa amin ang taong ito.' Gayon pa ma'y bumalik siya pagkahirang bilang hari. Ipinatawag niya ang mga katulong na binigyan niya ng baryang ginto para malaman kung magkano ang tinubo ng bawat isa. Humarap ang una at sinabi: 'Panginooon, tumubo pa ng sampu ang barya mong ginto.’ Sumagot siya: 'Magaling, mabuting utusan; dahil naging matapat ka sa maliit na bagay, mapamamahala kita sa sampung lunsod.' Dumating ang ika-lawa at sinabi: 'Panginoon, tumubo ng lima pa ang iyong baryang ginto.' Sinabi nito sa kanya: 'Mamamahala ka sa limang lunsod.’ Dumating ang isa pa at sinabi: 'Panginoon, narito ang iyong baryang ginto. Binalot ko ito sa isang panyo at itinago. Natatakot ako sa iyo dahil mapaghanap kang tao, kinukuha mo ang di mo idineposito at inaani ang di mo inihasik.' Sinabi sa kanya ng panginoon: 'Masamang utusan, sa sarili mong mga salita kita hahatulan. Alam mo palang mapaghanap ako, na kinukuha ko ang hindi ko idineposito at inaani ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo idineposito sa bangko ang aking baryang ginto? At makukubra ko sana iyon pati na ang interes pagbabalik ko.' At sinabi niya sa naroon: 'Kunin sa kanya ang baryang ginto at ibigay sa may sampu.' Sumagot sila: 'Panginoon, may sampung baryang ginto na siya.' ‘Sinasabi ko sa inyo: bibigyan ang meron pero aalisan ang wala, kahit na ang meron siya ay kukunin sa kanya. Ngunit dalhin n'yo rito ang aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila at patayin sa harap ko.'” Pagkasabi nito, umuna si Hesus sa kanila pa Jerusalem.
Pagninilay:
Madalas nating naririnig ang salitang yaman. Kapag kumita ng malaki sa negosyo o nanalo sa lotto o kaya nakakuha ng bonus sa trabaho, biglang yaman tayo. Pero hindi laging ganito. Ang totoo, kailangan tayong magsumikap upang mapagyaman ang mga biyayang nasa sa atin na. Ipinapaalala ni Hesus na tumanggap tayong lahat ng kani-kaniyang biyaya mula sa Diyos: 10, 5 o isa ayon sa ating kakayahan, lahat mula sa Diyos. Sa huli, uuwi tayo sa Ama. Anong bunga mula sa Kanyang mga biyaya ang ating dadalhin pabalik? Pinagyaman ba natin ang mga ito? O nagbunga ba ng kabutihan at nakatulong sa’ting kapwa? May panahon pa kapatid, humayo ka at huwag matakot, pagyamanin ang mga biyayang ating tinanggap para sa Diyos at kapwa tao. Amen.
- Fr. Albert Garong, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings