Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2022 – Huwebes
Ika – 33 na Linggo Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 19:4-44
Nang malapit na siya at kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Hesus: “Kung nalalaman mo lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapayapaan! Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. Sasapit sa iyo ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, kukubkubin ka at sisikilin sa lahat ng dako. Iguguho ka nila sa iyong mga anak at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”
Pagninilay:
Sa Ebanghelyo sa araw na ito, tumangis si Hesus para sa lungsod ng Jerusalem. Alam kasi niya ang mangyayari dito kapag ipinagpatuloy pa nito ang pagsuway sa kalooban ng Diyos. Ilang beses na ring nangaral, nagpaalala at nagbigay ng babala si Hesus sa kung ano ang dapat nilang gawin para mailigtas ngunit hindi siya pinapakinggan ng mga ito. Kaya’t ang pagtangis ni Hesus ay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga taga-Jerusalem. Sabi nga ng kanta ng Eraserheads na ‘Para sa Masa’: “Pinilit kong iahon ka, ngunit ayaw mo namang sumama.” Nakakapanlumo naman talaga ng ganitong sitwasyon ‘diba? May mga kaibigan tayong gustong tulungan at ilayo sa kapahamakan pero ayaw naman nila tayong pakinggan. Ano ang magagawa mo kung ganito? Ipagpipilitan mo ba ang tulong mo? Itinuturo sa atin ng Ebanghalyo na ang kaligtasan ng tao, kahit na totoong ito ay ay communal at dapat kasangkot ang lipunan, higit sa lahat ito ay personal. Sa bandang huli, isa-isa tayong haharap sa Diyos at isa-isa tayong magbibigay ng sarili nating tugon. Inaalok sa atin ni Hesus ang kaligtasan. Hindi niya ito ipinipilit. Importante kasing ang tugon sa imbitasyong ito ay nagmumula sa isang pusong malayang pumili. Kung wala ang kalayaang ito, wala ring kakayahang magmahal ang tao. Kaya’t kahit gustong-gusto man ng Diyos na ilayo tayo sa katapusang gaya ng nangyari sa Jerusalem, kung hindi natin pipiliing maligtas, ano pa nga ba ang magagawa ng taong nagmamahal sa atin kundi ang tumangis sa pasya nating ito. Ngunit ilang beses man nating ipagsawalang-bahala si Hesus, katulad ng mga taga-Jerusalem, hindi niya tayo iniwan. Patuloy niya pa rin tayong sinasamahan at ginagabayan. Sa huli, hindi naman talaga natin mababago ang isang taong ayaw magbago. Pero pwede pa rin natin silang samahan. Pwede pa rin nating silang mahalin. dahil tanging pagmamahal lang ang nakakapagpabago sa tao.
- Keneth Gadian, Seminarian | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings