Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2022 – Linggo
Ika – 34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 23:35-43
Naroon ang mga tao na nakatingin, pinagtatawanan naman si Hesus ng mga pinuno. “Nailigtas niya ang iba; iligtas din niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Kristo, ang hinirang! “Pinagtatawanan din siya ng mga sundalong lumapit para painumin siya ng alak na may halong suka, Sinabi nila: “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ngayon ang iyong sarili. May naka sulat nga sa wikang Griyego, Latin at Hebreo sa kanyang ulunan: “Ito ang Hari ng mga Judio.” Ininsulto rin siya sa isa sa mga kriminal na nakapako sa krus. “’Di ba’t Ikaw ang Kristo? Iligtas mo ang iyong sarili pati na rin kami”. Peru pinag sabihan siya ng isang kriminal, wala ka bang pitagan sa Diyos? Ikaw na gayon ding pagdurusa ang dinaranas? At bagay ito sa atin, sapagka't tinanggap lamang natin ang nararapat sa ating mga ginawa; ngunit wala namang siyang nagagawang masama. At sinabi niya, Hesus, “Hesus alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.” At sumagot naman si Hesus, “Talagang sinasabi ko sayo, makakasama kita sa Paraiso, sa araw ding ito.”
Pagninilay:
Sa dakilang kapistahan ni Kristong Hari tinatapos natin ang kalendaryo ng Simbahan. Nasa dulo ng kalendaryo ang kapistahang ito. Hudyat ito na pagkatapos natin sundan ang ministeryo ni Jesus sa lupa, hahantong ang lahat sa pagbubunyag niya ng sarili bilang tunay na hari. Hindi natin siya maaring ihanay sa ibang mga hari na namuno sa kasaysayan. Sadyang iba ang pagkahari ni Jesus sapagkat higit sa lahat, bagama’t siya’y totoong tao, siya rin nama’y anak ng Diyos. Kahit hindi tayo pinamumunuan ng isang hari, mayroon din naman tayong alam kahit paano tungkol sa mga hari at reyna. Sa taong ito, pumanaw ang Reyna Elizabeth na pitumpung-taon naluklok sa trono ng United Kingdom. Ngunit ang trono ni Jesus ay ang krus. Isang instrumento ng kahihiyan at pagpaparusa sa isang kriminal. Ang koronang ipinutong sa kanyang ulo ay hindi napalamutian ng mga diyamante at mamahaling hiyas. Ang sentro ni Jesus ay ang sibat na inulos sa kanyang tagiliran kung saan bumulwak ang masaganang tubig at dugo. Kinikilala ang mga hari at reyna sa mundong ito dahil sa malawak at matagal na bahaging ginampanan nila sa buhay ng kanilang mga nasasakupan. Namamangha ang mga sakop nilang bansa dahil sa kanilang kayamanan at kapangyarihan. Ngunit ang paghahari ni Jesukristo ay hindi nakatuon sa makamundong tagumpay. Hangad ni Jesus na dalhin tayo sa kaharian ng langit. Hindi niya hangad na sakupin ang ibang teritoryo para maging mas malawak ang kanyang kaharian. Walang ganyang hangarin si Jesus. Nais lamang niya na hipuin ang puso ng mga tao at mapanibago ang takbo ng ating isip at pagdedesisyon. Sa dakilang kapistahan ngayong araw, handa ka bang piliin ang paghahari ni Jesukristo sa buhay mo? Siya ba ang Panginoon na iyong susundan kahit na tinawanan siya at tinalikdan ng marami sa Kalbaryo?
- Fr. Paul Marquez, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings