PAULINES

Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2022 – Lunes


Listen Later

Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2022 – Lunes

Ika – 34 na Linggo sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo:  Lc 21:1-4

Tumingin si Jesus at may mayayaman na naghuhulog ng kanilang abuloy sa kabang-yaman. At nakita rin niya ang isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. At sinabi niya: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito. Naghulog nga silang lahat sa kabang-yaman mula sa sobra nila subalit inihulog naman niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan.”

Pagninilay:

Sa panahong ngayon kung saan mahalaga ang “external” na kagandahan at kayamanan, inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo ngayon upang isabuhay ang kabaliktaran nito: ang pagiging mababang-loob, at hindi mapag-mayabang. Ibinahagi sa atin ni Hesus ang kababaang-loob na ipinakita ng balo, sa pamamagitan ng kanyang pagbigay ng lahat ng mayroon siya. Hindi niya kinailangang ipagmalaki ang kanyang handog, o ibigay at ipangako ang kung anumang ari-arian na wala naman siya. Tanungin natin ang ating mga sarili: Kapag nagbibigay ba tayo, ginagawa natin ito dahil gusto nating sumikat o magpakitang-tao? O ginagawa natin ito ng buong puso, at hindi naghihintay ng kapalit? Noong panahon ni Hesus, ang pag-aalay o paghahandog sa templo ay ginagawa sa pamamagitan ng mga barya. Kung mas malakas ang tunog ng mga hinuhulog mong barya sa kaha ng templo, ay mas sikat at mas mapapahanga mo ang taong nasa paligid. Ipinapakita mo na ikaw ay mayaman! Ang balo, mayroon siyang dalawang pirasong barya, ngunit dito mas humanga si Hesus, dahil ito ay buong-pusong pag-aalay. Sa tuwing nagbibigay tayo, hindi na kinakailangang makita o marinig pa tayo ng mga tao sa paligid, dahil ang mas importante ay ang buong-pusong paghahandog natin. Huwag tayong mahiya kung maliit man ang naibibigay natin, dahil kahit anong halaga nito, ito ay nakatutulong sa mga proyekto ng ating Simbahan - isang paraan ng pakikiisa sa simbahan at sa ating kapwa. - Mark Madronero

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings