PAULINES

Mabuting Balita l Nobyembre 22, 2022 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Nobyembre 22, 2022 – Martes

Ika – 34 na Linggo sa Karaniwang Panahon




Ebanghelyo: Lucas 21:5-11

May ilang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinasabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Hesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito? Paano namin malalaman?” Sumagot si Hesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan na magsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita n’yo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at naglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa Langit.”

Pagninilay:

Sakuna. Sunog. Lindol. Digmaan. Kamatayan. Kapag narinig na ang mga salitang ito ay tila ba likas na kaagad sa atin ang matakot at mangamba. Hindi natin maiiwasan na mag-isip kung may kaligtasan bang nag-aabang sa atin kapag nakaranas tayo ng ganitong mga trahedya. Kagaya ng mga tao sa templo mula sa Ebanghelyo ngayon mula kay San Lucas na nahalina sa kahanga-hangang templo na kanilang nakikita. Ang ating pangamba ay dulot ng pagkalimot na ang lahat ng bagay sa mundong ito ay may hangganan. Ating pakinggan at pakatandaan ang dalawang tugon ni Hesus sa katanungan kung kailan mangyayari ang hangganang ito: Una, mag-ingat at nang hindi maligaw sa pagsunod sa mga bulaan at huwad na mga “mesiyas.” Manatiling nakasunod sa totoong Mesiyas, si Hesus, ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Pangalawa, huwag mabagabag sa mga kakila-kilabot na bagay. Ang mas mahalaga ngayon ay ang ating kahandaan sa katapusan higit sa ating kaalaman kung kailan ang katapusan. - Vincent Joseph Bonador

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings