PAULINES

Mabuting Balita l Nobyembre 23, 2022 –Miyerkules


Listen Later

Mabuting Balita l Nobyembre 23, 2022 –Miyerkules

Ika – 34 na Linggo sa Karaniwang Panahon




Ebanghelyo: Lucas 21:12-19

Sinabi naman ni Hesus: “Bago sumapit ang lahat ng ito, dadakpin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Sasapit ito sa inyo para makapagpatotoo kayo sa akin. Isaisip n’yo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karununganng hindi matatagalan o masasagot ng lahat ng inyong kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. Sa inyong pagpapakatatag, ang mga sarili ninyo mismo ang inyong makakamit.”

Pagninilay:

Sa ating ebanghelyo sa araw na ito ating narinig ang wika ng ating Panginoon patungkol sa pag-uusig. Sa ating pagsunod sa kanya maaari rin tayong matulad sa kanya na inuusig ng mga pariseo at iba pang tao na hindi naniniwala sa kanya. May ilang punto na pwede nating tingnan upang maintindihan natin ang ebanghelyo. Una, “preparedness” o kahandaan. Handa ba tayong usugin dahil sa ating mga ginagawang mabuti na salungat sa gusto ng iba? Alalahanin natin na walang ibang daan patungo sa kabanalan kundi ang pagsunod sa daan tinahak ni Hesus – ang daan ng krus. Ikalawa, tiyaga. Kaya ba nating magtiyaga sa sa pagpapasan ng ating mga krus sa buhay, kahit na minsan wala tayong tiyak na patutunguhan? Sa Mabuting Balita, sinasabi ng Panginoon: “Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.” (Lk. 21:19) Ang ating mga pagtitiyaga upang isabuhay ang mga aral nang Panginoon ay siyang magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. Mahirap man ang ating dadanasin bago ito makamtan pero sigurado na tayo ay may gantimpala sa Panginoon sa buhay na walang hanggan. Kaya sa ebanghelyo sa araw na ito inaanyayahan tayo na maging handa at maging matiyaga.

- Ernhel Sabatin Dellona, Seminarian | Mission Society of the Philippines

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings