Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 24, 2022 – Huwebes
Ika – 34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 21:20-28
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung makita ninyong nakubkob na ng mga hukbo ang Jerusalem, alamin ninyong sumapit na ang kanyang pagkawasak. Kaya tumakas pa-bundok ang mga nasa Judea, umalis ang mga nasa lunsod, at huwag nang bumalik doon ang mga nasa bukid. Sapagkat ito ang mga araw ng pahihiganti sa kanya para matupad ang lahat ng nasa Kasulatan. Sawimpalad ang mga nagdadalantao o mga inang nagpapasuso sa mga araw na iyon. Sapagkat matindi ang sasapit na kapahamakan sa lupain at ang galit sa bayang ito. Mamamatay sila sa tabak, dadalhing bihag sa lahat ng bansa, at yuyurakan ng mga bansang pagano ang Jerusalem hanggang mabuo ang panahon ng mga bansa. Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. Sa lupa’y mangangamba ang mga bansa dahil sa ugong at alon ng dagat, at wala silang magagawa. Hihimatayin ang mga tao dahil sa takot at pagkabahala sa mga sasapitin ng sanlibutan sapagkat mayayanig ang puwersa ng sanlibutan. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap na may Kapangyarihan at ganap na Luwalhati. Kung magsimula nang maganap ang mga ito, tumindig kayo at tumunghay dahil palapit na ang inyong katubusan.”
Pagninilay:
Palagi kong naririnig sa mga kabataan na ayaw daw nila sa relihiyon kasi gumagawa lang daw ng mabuti ang tao dahil sa takot sa Huling Paghuhukom. Kung babasahin ang Ebanghelyo sa araw na ito, lubhang nakakakilabot naman talaga ang mga pangyayari sa katapusan ng mundo. Pero pagkatapos itong isalarawan, sinabi ni Hesus na kapag nangyari ang mga bagay na ito, dapat tayong magalak sapagkat ang kaligtasan ay malapit na. Sinasabi dito na ang totoong highlight ng araw na ito ay hindi ang mga delubyo kundi ang muling pagbabalik ni Hesukristo para hukuman ang mundo. Habang hinihintay natin ang pagdating ng araw na ito, katulad ng paghihintay sa pagdating ng isang kakilala, nakadepende ang mararamdaman natin sa relasyon natin sa taong parating. Kapag ang taong parating ay inutangan, ginulangan, o ginawan natin ng masama, tiyak na ang bawat araw ay puno ng pagkabalisa. Kapag ang taong parating naman ay malapit sa atin, ang bawat araw ay puno ng galak at pananabik. Para tayong mga anak ng magulang na OFW na inihahanda na ang mga kuwento tungkol sa mga magagandang bagay na naranasan natin. Kaya’t hindi lahat ng naghihintay sa Huling Paghuhukom ay mga taong takot. Ang mga nagmamahal sa paparating ay nagagalak. Tayong mga Kristiyano ay mga taong sabik!
- Keneth Gadian, Seminarian | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings