Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 25, 2022 – Biyernes
Ika – 34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 21:29-33
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinhaga: “Tingnan ninyo ang punong-igos at ang ibang mga puno. Pagkakita ninyong nagdadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-init. Gayundin naman, pag napansin ninyo ang mga ito, alamin ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo na hindi lilipas ang salinlahing ito at mangyayari ang lahat ng ito. Lilipas ang langit at lupa ngunit hindi lilipas ang aking salita.”
Pagninilay:
Ang puno ng igos ang pinakahuling umuusbong sa panahon ng tagsibol. Kaya kapag nagsisimula nang lumitaw ang murang dahon ng igos, nalalapit na raw ang tag-araw. Ayon sa mga magsasaka sa Europa at sa Mediteraneo, mas gusto ng punong igos ang warm at arid conditions. Sa mainit at tigang na lupa, doon siya umuusbong. Sulyapan natin ang ating buhay-ispiritwal. Sa oras na inaamin natin na nauuhaw tayo na parang tigang na lupa, doon natin nararamdaman ang biyaya ng pagsibol ng Panginoon. Ibinubuhos niya sa atin ang biyaya ng buhay. Ngayong November 25, vigil naming Pauline Family sa celebration ng pagyaon sa eternal life ng aming Founder. Siya si Blessed James Alberione. Sa compilation ng writings niya na Practices of Piety and Interior Life, naroon ang lessons tungkol sa “mortification”. Sa Latin, mortificationem o putting to death. Ito ang paglupig hanggang sa matigang, hanggang mamatay. Ayon kay Blessed James, ito ang kailangan ng ating kaluluwa. May may spiritual liveliness tayong matatanggap kapag napapagtagumpayan natin ang masamang hilig at di kaaya-ayang ugali. Tatlong uri ng morification ang binanggit niya. Una, mortification of the palate. Ang kamatayan sa pagbibigay-luho sa panlasa. Ito ang pagpipigil kumain ng sobra o pag-iipon ng pagkain na hindi naman kayang ubusin. Ikalawa, mortification of body’s laziness. Ito ang kamatayan sa pagbibigay-lugod sa luho ng kawalang-ginagawa. Ito ang kawalan ng effort na magpakabuti. Tahasang hindi na kinukumusta ang kunsensya sa tuwing nagkakasala. Ikatlo, mortification of sensuality. Ang kamatayan sa pagbibigay-lugod sa luho ng kahalayan. Ito ang hindi na nag-iisip nang mabuti. Kung ano na lang ang ibig gawin sa katawan o ng katawan, mag-gigive-in na. Kapanalig, ang lahat nang ito, kailangan nating paglabanan para umusbong ang buhay na hindi lumilipas. Let us put to death whatever keeps us away from Christ. Si Blessed James din ang nagtanim sa isip ng bawat kasapi sa pamilyang Paolino na mula sa kataga ni San Pablo. “Put to death, therefore, whatever belongs to your earthly nature.” Mga kapanalig, gawin natin ito na habitual sa tulong ng panalangin ni Blessed James. Makaugalian nawa natin itong gawin hanggang sa hindi na tayo ang nabubuhay sa sarili natin, kundi si Jesus na.
- Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings