Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 26, 2022 – Sabado
Ika – 35 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 21:34-36
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo’t baka bumigat ang inyong mga isip sa mga bisyo, paglalasing at mga intindihin sa buhay. At baka bigla kayong datnan ng araw na iyon. Babagsak itong parang bitag sa lahat ng nasa lupa. Kaya’t lagi kayong magbantay at manalangin para maging marapat na makatakas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”
Pagninilay:
“Stop, look, and listen.” Ito ang kadalasang nakikita at nakapaskil sa mga riles ng tren o sa mga kalye. Ang karatulang ito ay paalala sa mga tao, upang maging alisto at makaiwas sa kapahamakan. Ang mensahe ng ebanghelyo ay tulad nito. Maging handa at mapagmatyag. Ang sabi nga ng iba, “abala tayong maghanap buhay, ngunit kadalasa’y nakakalimutan natin kung paano ang mabuhay. Abala tayo sa makamundong mga bagay, at nakakalimutan natin ang tunay na kahulugan ng buhay”. Sa kakaisip ng problema, nakakalimutan natin ang ating sarili. At upang takasan ito, nandyan ang bisyo, luho at panandaliang kasiyahan lamang. Ngunit, paano kung bigla tayong magkasakit, mamatay o bawian ng mga yaman? Handa na ba tayo? Tunay ngang kailangan natin ang “stop, look, and listen” sa buhay. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng buhay? Ano ang gustong ipagawa sa atin ng Diyos? Ano ang gusto nating gawin? “Stop, look and listen” at masusing kilatisin ang layunin natin. Maging abala tayo sa mga importanteng bagay, dahil maiksi lamang ang buhay. Kailangan nating maging handa at listo kung ano ang ating misyon sa buhay. Ngayon po ay kapistahan rin ni Beato Giacomo Alberione o Blessed James Alberione, ang nagtatag ng mga kongregasyon at institusyong paolino. Ang kanyang prinsipyo ay ang pagkakaroon ng sinaunang diwa sa makabagong anyo – “ancient spirit, new forms.” Ang maging handa at mapagmatyag sa mga tanda ng panahon – “signs of the times.” Kung paano tayo naaapektuhan sa makabagong kapanahunan ngayon. Paano nagbabago ang relasyon natin sa Diyos? Mabago man ang panahon at mabago man tayo, ang Diyos ay hinding-hindi magbabago. Ang mga palatandaang ito ay mahalaga. Ang mga karatulang “stop, look and listen” ay mahalaga. Sa mga oras na naguguluhan tayo, ito’y nagsisilbing gabay. Gayun din sa buhay, sa mga pagkakataong hindi natin alam ang gagawin, may mga ipapadalang senyales ang Diyos. Humiling tayo sa Diyos ng karunungan ng puso at isip, upang masumpungan ang tunay nating naisin sa buhay, ayon sa kanyang kalooban. - John Ervin S. Valerio
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings