Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 27, 2022 – Linggo
Unang Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Mateo 24: 37- 44
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad. “Katulad ng nangyari sa panahon ni Noe. Gayon din sa pagdating ng anak ng tao. Nong mga raw na yon, bago dumating ang baha. Kumakain at umiinom ang mga tao at nag aasawa, hanggang sa araw nang pumasok si Noe sa daong. Ngunit wala silang alam hanggang dumating ang baha. At tinangay silang lahat. Ganun din sa pag dating ng anak ng tao. Sa dalawang lalaking nasa Bukid, kukunin ang isa at iiwan ang isa. Sa dalawang babaing gumigiling ng Trigo, kukunin ang isa at iiiwan ang isa. Kaya magbantay kayo sapagkat hindi n’yo alam ang araw ng pagdating ng inyong Panginoon. Isipin n’yo ito: Kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, magbabantay s’ya at hindi pababayaang pasukin ang bahay. Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi n’yo inaasahan darating ang Anak ng Tao.
Pagninilay:
Ngayon ay bagong taon sa liturgical calendar ng ating simbahan, Unang Linggo ng Adbiyento. Pag sinasabi nating adbiyento, ito ay nangangahulugan ng pagdating o coming sa Ingles. May importanteng taong darating sa atin. Sa ating mga Pilipino sanay at parte na ng buhay natin ang maghinihintay dahil sa isang pamilyang Pilipino may isang OFW. Inaabangan natin ang kanilang pagbabalik bayan, kaya pinaghahandaan natin ito. Naglilinis tayo ng bahay, ini-organisa ang mga outing at reunion. Lahat ay masaya. Tulad ng paghahanda na ito, ang kahulugan ng adbiyento, ay linisin natin ang ating mga puso at diwa sa mga bagay na hindi nakakapagpabanal. Tulad ng galit at inggit. Upang ang pagdating ni Kristo ay handa ito na siya ay manahan tulad ng isang sabsaban, payak at simbolo ng pagpapakumbaba. Upang ang saya at galak ng isang reunion at selebrasyon ay mamuhay sa ating mga puso dahil handa ito araw-araw sa pagdating ni Kristo.
Ang ating buhay ngayon ay araw ng adbiyento, ang pagiging handa sa pagdating ni Kristo ang ating pinaghahandaan. Hindi lang ito sa paskong darating ngunit higit sa kanyang pagbabalik dito sa mundo. May isang paring nagbahagi nito sa akin na, excited tayong lahat sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus na darating dahil ito ay may happy and joyful spirit na selebrasyon. Ngunit, hindi na tayo kumportable pag pinag--uusapan ang second coming, dahil nga sa imahe na binabanggit sa Mabuting Balita. Wala tayong dapat ikatakot kung araw-araw ihinihahanda natin ang ating puso na maging payak at Mabuti. Always ready na tanggapin si Hesus na darating.
- Fr. Samy John Torrefranca, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings