Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 28, 2022 – Lunes
Unang Linggo Ng Adbiyento
Ebanghelyo: Mateo 8:5–11
Pagdating ni Hesus sa Capernaum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap.” “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” “Panginoon, hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko, pero kapag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.” Nang marinig ito ni Hesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit.”
Pagninilay:
Kung babasahin po ulit nating maigi ang Mabuting Balita narito ang mga kakaiba at nakaantig na mga detalye: Una, isang boss - centurion, ang dumudulog kay Hesus na pagalingin ang kanyang sundalo. Pwede namang wala na lamang siyang pakialam sa sakit nito. Ngunit nagpapakumbaba siyang humihiling kay Hesus ng kagalingan para sa kanyang sundalo. Ikalawa, nagbigay ng complimentsi Jesus. Masaya siya sa pinakitang pananampalataya ng centurion. Taliwas sa lagi nating nababasa sa kanyang mga turo’t pangaral sa kanyang mga apostol: “Panginoon, dagdagan mo ang aming pananampalaya.” “Panginoon, paano nangyari iyon?” “Panginoon, hindi kaya ng limang tinapay na panakainin ang nakararami.” Sa Mabuting Balita, buong-buo ang pananampalataya ng centurion—kaya’t ang sabi ni Hesus, kamangha-mangha ang iyong pananampalataya, wala kang katulad sa buong Israel! Mga Kapanalig, isang bagay ang nais kong bigyan diin. Lahat tayo’y lingkod ng bawat isa. Maaring sa pamantayan ng mundo mayroon tayong mga rango pero sa mata ng Diyos lahat tayo’y mga anak niyang minamahal. Kaya nga ang sabi ni Mother Teresa: “Ang bunga ng pananalangin ay pananampalataya. Ang bunga pananampalataya ay pag-ibig. Ang bunga ng pag-ibig ay paglilingkod. At ang bunga ng paglilingkod ay kapayapaan.” Sana huwag nating kalimutan na tayo’y lingkod at may pananagutan sa bawat isa. Maging masidhi nawa ang pag-ibig sa ating puso upang patuloy tayong maging buhay na Hesus sa ating kapwa. Amen. – Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings