PAULINES

Mabuting Balita l Nobyembre 29, 2022 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Nobyembre 29, 2022 – Martes

Unang Linggo ng Adbiyento




Ebanghelyo: Lucas 10:21-24

Nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Hesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud- lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, kung sino ang Ama kundi ang Anak at sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling si Hesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan: “Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.”

Pagninilay:

Nagalak sa Espiritu Santo at nagpasalamat sa Diyos Ama, Panginoon ng langit at lupa. Ang mga aksyon na ito ng ating Panginoong Hesukristo sa Ebanghelyo ngayon mula kay San Lucas ay isa sa mga pambihirang pagkakataon kung saan tahasang ipanapahayag ang pagkakakilanlan ni Hesus ang kanyang kaugnayan sa Diyos Ama at sa Espiritu Santo. Karapat dapat lang talagang ikagalak ang pagkakataong ito. Isa pang rason ng pagkagalak ay pinili ni Hesus na ibahagi ang kanyang pagpapahayag sa sarili sa mga “sanggol” at hindi sa mga pantas at matatalino. Ang sanggol na tinutukoy dito ay hindi ang literal na batang bagong silang sa mundo kundi ang tao na patuloy na nangangailangan ng aruga ng Diyos at may malalim na tiwala at paniniwala sa Diyos na pumupuno ng kanyang pangangailangan. Sino ba sa atin ang hindi matatawag na sanggol sa ganitong pamamaraan? Yaong tinutukoy ni Hesus na pantas at matatalino. Sila ang mga taong tinuturing ang sarili na may alam na at walang pangangailangan sa Diyos sa kanilang buhay dahil siguro sa kanilang kaginhawan o kinaaaliwan sa buhay. Musmos man o payak sa tingin ng mundo ng mga pantas at matatalino, minarapat na ipanahayag ng Panginoon ang kanyang kalooban at kanyang pagkakakilanlan bilang Diyos sa mga sanggol. Walang duda na mas mapalad nga sa mata ng Diyos sila na kumakapit sa Diyos na parang isang sanggol. - Vincent Joseph Bonador

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings