Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 3, 2022 – Huwebes | Ika-31 na Linggo ng Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 15:1-10
Lumapit kay Hesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinatanggap niya ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Hesus ang talinhagang ito sa kanila: “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi baga niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi. Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsisindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping mabuti hanggang matagpuan ito? At pagkakita rito’y tatawagin ang mga kaibigang babae at mga kapitbahay: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko ang nawawala kong baryang pilak.’ Sinasabi ko sa inyo na ganito rin sa mga anghel ng Diyos, magkakaroon ng kagalakan para sa isang makasalanang nagsisisi.”
Pagninilay:
May dalawang uri raw ng tao sa mundo: ang mga makasalanan at ang mga matutuwid. Ang mga may sakit at ang mga maayos ang kalusugan. Ang mga nawawala’t hilo at ang mga wais at sigurado. Nang sabihin ni Hesus na siya ay pumarito para sa mga makasalanan, para sa mga maysakit at para sa mga nawawala, nabigla ang marami lalo na ang mga Pariseo at mga eskriba. Malamang ito ang inisip nila “Sila lang? Para ka lang sa kanila? Kami hindi kasali?” Mukhang hindi nila nakuha ang punto ni Jesus na walang “sila”. Na kapag sinabi niyang na “pumarito ako para sa mga makasalanan, mga may sakit at mga nawawala” ang ibig sabihin ay pumarito siya para sa lahat. Oo, kapatid, tulad ko, kasali ka. Dahil kung tutuusin, sino ba sa atin ang hindi makasalanan? Sino ba sa atin ang hindi dukhang nangangailangan ng Kanyang awa? Kaya’t kung totoo man na may dalawang uri ng tao sa mundo, ito ay ang mga makasalanang malaki ang ulo at mga makasalanang nagsusumikap na magbago.
Manalangin tayo: Panginoong Jesus, maraming salamat sa awa at pagmamahal para sa aming mga makasalanan, may sakit at nawawala – nawa’y patuloy kaming tumugon at sumunod sa iyo at gawin ang ayon sa kalooban mo. Amen.
- Kenneth Gadian, Seminarian | Society of St Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings