Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 30, 2022 – Miyerkules
Ebanghelyo: Mateo 4:18-22
Sa paglalakad ni Hesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ng kanilang amang si Zebedeo at nagsusursi ng kanilang lambat. Tinawag sila ni Hesus. Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang kanilang ama, at nagsimulang sumunod sa kanya.
Pagninilay:
Sa araw na ito ating ginugunita ang dakilang kapistahan ni San Andres, Apostol. Sa ebanghelyo ngayon ating nasaksihan ang pagtawag kina Simon Pedro at kanyang kapatid na si Andres. Sinabi ni Hesus sa kanila: Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” Ano ba ang hatid ng mga katagang ito sa atin? Minsan may mga paanyaya na kailangan pag-isipang mabuti. Minsan nagdedepende ang ating mga sagot sa taong nagyaya sa atin. May mga paanyaya ang Panginoon na minsan hindi natin pinauunlakan. Katulad ng paanyaya sa pagsisimba sa araw ng linggo. Minsan, marami tayong rason para hindi magsimba. Maraming paanyaya na hindi natin alam kung ano ang ating magiging tugon. Sa Mabuting Balita, inaanyayahan tayo na magkaroon ng kahandaang tumugon sa anumang tawag at paanyaya ng Panginoon. Tularan natin ang mga apostol na sina Simon Pedro at San Andres. Iniwan nila ang kanilang ginagawa, ang kanilang pamilya, ang lahat na meron sila, at walang pag-aalinlangang sumunod kay Jesus. Nagtiwala at sumunod sila, kahit hindi nila nauunawaan nang lubos ang Kanyang paanyaya. Tularan sana natin sila.
- Ernhel Sabatin Dellona, Seminarian | Mission Society of the Philippines
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings